Bunso, Kinatay ni Kuya

PATAY SA pananaksak ang nakababatang kapatid na lalaki ng isang 54 anyos na mister dahil sa alitan sa pamilya sa Balangasan District, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktima na si Nonito Sandot, 48, may-asawa, ng Brgy. Buenavista ng lungsod dahil sa tinamong mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nahaharap sa kasong murder ang kapatid nitong si Florencio Sandot na nadakip ng mga awtoridad, isang oras matapos isagawa nito ang krimen.

Base sa report ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-5:05 ng hapon nang lasing na nagtungo ang biktima sa tahanan ng kaniyang kapatid na babae na si Ofelia Lamerosa, 44, habang suspek ay nanonood naman ng telebisyon.

Nagsalita umano nang masama ang biktima sa kanyang kapatid na babae na ikinagalit ng salarin na may kinikimkim na matinding galit dahil sa inggitan sa kanilang pamilya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.