Bunso, hinahalay Manyak na ama, ibinuko ng panganay

BIGONG MAISAKATUPARAN ng manyak na ama ng ta-hanan sa ikalawang pagkaka-taon ang panghahalay sa bunso nitong anak matapos ibuking ng panganay nitong anak na babae na umano’y biktima rin ng panghahalay ng ama.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rizalino Andaya kay Bulacan Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang dinakip na suspek na si Doroteo Valera Y Ola, 33 anyos, residente ng Brgy. Tangos, Baliuag, Bulacan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-7:30 ng umaga kahapon nang pagtangkaang halayin ng suspek ang 11-anyos nitong anak na itinago sa pangalang Rhoda.

Ayon sa nakatatandang kapatid ng biktima, una na umanong hinalay ng kanyang ama si Rhoda noong  taong 2010, at maging siya umano ay nakaranas din ng panghahalay ng ama noong taong 2005.

Sinabi pa nito na labis na ang naging trauma ng kanyang mga kapatid sa tuwing malalasing umano ang kanilang tatay dahil sa ugali na nito ang takutin sila.

Samantala, nakatakdang sampahan ng kasong Attempted Rape sa Bulacan Prosecutor’s Office ang  suspek habang nasa kustodiya naman ng Women’s and Children’s Desk Office ang batang biktima.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.