Bunong Braso na pinasimulan ni Idol Robin Padilla, Dinudumog ng mga Macho

MAINIT ANG PAGTANGGAP ng mga residenteng nanonood at tumatangkilik sa TRUST Bunong Braso Challenge na kasalukuyang idinaraos sa buong bansa. Magaganap ang ikawalo at huling Qualifying Round sa Hulyo 23, Sabado, sa Bayanihan Dapitan Covered Court, Dapitan St. corner Mayon St., Quezon City. Ang nationwide TRUST Bunong Braso Challenge ay nagsimula sa siyudad ng Taguig (April 16), at sumunod sa mga siyudad ng Las Piñas (April 30), Baguio (Mayo 14), Valenzuela (May 28), Batangas (June 11), Cebu (June 25), Davao (July 2) at panghuli ay sa Quezon City.

Laging pinakaaabangan ang performance ni Sexbomb Monique, na nagbibigay-saya sa kanyang seksing sayaw at pakikipagkulitan sa mga maskuladong manlalaro at mga game na game na mga manonood. Welcome na welcome din ang host na si DJ Marf ng 99.5 RT at ang mascot na si Super TRUST. Pero tumutodo ang saya sa pagbisita ng idolo ng masa, si Robin Padilla, ang endorser ng TRUST quality condom, at sa pagpapaunlak nitong makipag-picture taking.

Kasing-init ng pagtanggap ng mga residente sa mga bisitang artista ang mainit na tunggalian ng mga sumasali sa kumpetisyon ng bunong braso. Dibdiban ang laban ng 32 kalalakihan sa dalawang dibisyon para sa cash prize na P10,000.00. Ang top two sa bawat kategorya sa bawat siyudad ay maghaharap-harap sa Grand Championship sa Agosto 6, para sa tumataginting na P100,000.00 cash prize at sa titulo bilang kauna-unahang kampeon sa TRUST Bunong Braso Challenge sa kanilang dibisyon sa buong bansa.

Para sa karagdagang detalye at iba pang impormasyon tungkol sa TRUST Bunong Braso Challenge, maaaring mag-text o tumawag sa (0917) 909-9090 para sa Globe at Touch Mobile subscribers; (0949 )323-6788 para sa Smart at Talk n Text, at (0932) 527-4228 para naman sa Sun Cellular Subscribers o sumulat sa e-mail address na trust_bbc@yahoo.com.

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.