Bungo ng Tao, Natagpuan sa Nasunog na Gilingan ng Tubo

INAALAM PA ang pagkakilanlan ng natagpuang sunog na bangkay sa nasunog na gilingan ng tubo sa lalawigan ng Albay.

Base sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad, Sabado nang masunog ang gilingan ng tubo sa Barangay Cotmon, bayan ng Polangui na pag-aari ni Goyito Boni.

Inakala niyang ang mga panggatong lamang ang nasunog subalit nagulat na lamang siya kinaumagahan nang makita ang bungo at mga buto ng isang tao na nasa ilalim ng mga abo.

Sinabi ni Bonin a walang naiiwang tao sa kanilang gilingan tuwing gabi kaya nagtataka sila kung talagang nasunog ang gilingan o may sadyang nagsunog nito.

Samantala, nabatid na isang residente sa lugar ang nawawala na pinaniniwalaang ang nasunog na biktima.

Kasalukuyang  hinihintay na lamang ang resulta ng pagsusuri sa natagpuang sunog na bangkay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.