Bungo ng Tao, Lumutang sa Ilog

LUMUTANG SA ilog ang bungo ng tao habang nakasilid sa bag sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Sa pahayag ng saksing si Jhonny Setenta, ala-1 ng umaga nang makita niya ang isang kulay asul na bag na nakalutang sa ilog sa Tabing Ilog, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Kinuha ng saksi ang bag subalit laking gulat nang buksan ay tumambad ang isang bungo ng tao na naging dahilan upang sabihin sa mga pulis.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang nagtapon ng bungo sa ilog.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.