Bumisita lang sa mga magulang Bakasyonista, Tinambangan

HINDI AKALAIN ng isang lalaki na ang kanyang pagbisita sa mga magulang ang dahilan ng kanyang maagang kamatayan sa Bukidnon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nasawi na si Mark Anthony Osero, 27 anyos, nakatira sa Bgy. Sta. Ana Tagoloan, Misamis Oriental at nagbakasyon sa tahanan ng kanilang mga magulang nitong kamakalawa ng gabi sa Libona, Bukidnon.

Sa pahayag ng nanay ng biktima, nag-uusap lamang sila ng kanyang anak sa sala ng kanilang bahay dakong alas-8 ng gabi kamakalawa nang bigla na lamang barilin ang kanyang anak ng ‘di nakikilalang suspek mula sa madilim na bahagi ng kalsada.

Hindi na umano nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima matapos na magtamo ito ng tama ng bala ng baril sa kanyang likod na tumagos sa kanyang kaliwang bahagi ng dibdib dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Wala namang alam na suspek o kaaway ng biktima dahil dalawang araw pa lang umano itong nagbabakasyon sa bahay ng kanyang mga magulang sa Bukidnon.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.