Bumisita lang sa kaibigan Magkaibigan, pinagbabaril; 1 todas, 1 sugatan

PATAY ANG ISANG kelot habang sugatan ang kaibigan nito makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang lalaki habang ang mga una ay kalalabas lamang sa bahay ng kanilang kaibigan na binisita kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital sanhi ng tama ng bala sa ‘di pa mabatid na kalibre ng baril sa katawan ang biktimang si Ramil Canaria, nasa hustong gulang; habang ginagamot naman ang kaibigan nito sanhi ng tama sa kaliwang hita na si Jimuel de Leon, nasa hustong gulang, binata, tricycle driver kapwa ng Phase 10, Package 4, Block 40, Lot 21, Bagong Silang, Caloocan City.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad para sa agarang pagkakakilanlan sa mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Phase 8-B, Package 5, Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon kay de Leon, kalalabas lamang nila sa bahay ng kanilang kaibigan na si Francis Bautista sa naturang lugar nang makasalubong nila ang ilang kalalakihan at walang sabi-sabing pinaputukan sila.

Dito, tinamaan si de Leon sa kaliwang hita at nakahingi pa ito ng tulong kay Bautista subalit naiwan nito si Canaria at pagbalik ay marami nang tama ng bala sa katawan habang nakatakas naman ang mga suspek sa ‘di malamang direksyon.

Agad namang dinala sa naturang pagamutan sina Canaria at de Leon subalit minalas ang huli at nalagutan rin ito ng hininga

habang nilalapatan ng lunas.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa nasabing krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.