Bumibili Lang ng Kendi: SPED Student, Hinalay

NAUWI SA panghahalay ang pagbili sa tindahan ng isang special education (SPED) student matapos siyang hilahin papasok sa kubeta ng bahay ng kanyang kapitbahay at gahasain kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ng Women and Children Protection Desk (WCPD)ng Caloocan City Police ang biktima na itinago sa pangalang “Sabel”, 21 anyos, nakapagtapos ng SPED level 1, at residente ng Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang suspek na nakakulong ngfayon sa detention cell ng nasabing himpilan ng pulisya ay si Porferio Quinlog, 55, anyos at kalugar ng biktima.

Base sa ulat ng nasabing departamento ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon nang maganap ang panghahalay sa loob ng palikuran ng suspek sa nasabing lugar.

Nabatid, mag-isang nagtungo si Sabel sa isang tindahan sa kanilang lugar para bumuli ng candy.

Biglang dumating ang suspek at walang anu-ano ay bigla na lamang umanong hinaltak nito ang biktima at kinalad patungo sa bahay ng suspek.

Pagdating ng mga ito sa nasabing bahay ay kaagad na ipinasok ng suspek ang una sa loob ng palikuran niya at doon na hinalay ang babae.

Habang isinasagaw ng suspek ang kanyang makamundong pagnanasa, biglang dumating ang asawa ni Quinlog na si Maria at kitang-kita nito ang ginagawa ng suspek sa biktima.

Nagtatakbo papalabas ng bahay si Elena at nasusumigaw sa labas na mayroon umanong kasamang babae sa kubeta ang kanyang asawa at saka dumiretso ng kanilang barangay at humingi ng saklolo. Dahilan upang agad na maaresto ni barangay tanod Israel Castro ng Barangay 151 ang suspek.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong Rape kung saan walang piyansang inirekomenda si Senior Asst. Prosecutor Nida Tabuldan Gravino para sa pansamantalang kalayaan ni Quinlog.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.