Bumbero, 1 pa, gulpi sa 1 obrero

KALABOSO ANG ISANG obrero matapos na ireklamo ng isang fire volunteer at isang sales assistant na kanyang pinagsusuntok gamit ang knuckle brass kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Sarado ang kaliwang mata at may sugat sa mukha ang biktimang si Elizalde Marquez,28, binata, sales assistant ng Pepsi Cola, residente ng Fabella St., Brgy. Plainview ng nasabing lungsod, habang namaga naman ang nguso ni Willjoe Sano, nasa hustong gulang, Pasig fire volunteer at residente naman ng Ausmold Cmpd., Brgy. Buting, Pasig City.

Naaresto naman ng mga Bantay Bayan ang suspek na si Melvin Maumay, 25 anyos, binata, glass installer, residente naman ng # 68 Kayumanggi St., Brgy. Barangka, Mandaluyong.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa loob ng Chekwa Eatery na matatagpuan sa Barangka Drive, San Rafael St., Brgy. Plainview, Mandaluyong City.

Nabatid na naghihintay ng kanilang order na pagkain si Marquez kasama ang nobyang si Lailani Garin nang biglang upakan ng suspek na nakasuot ng knuckle brass.

Dahil hindi alam at sa lakas ng suntok ay bumagsak sa semento ang biktima na naging dahilan ng pagkakagulo sa loob ng eatery, kung saan ay kumakain din ang fire volunteer na si Sano.

Hindi sukat akalain ni Sano na pagtayo niya ay uupakan din siya ng suspek at hindi na ito nakaiwas sa malakas na suntok sa mukha na ikinabagsak din nito.

Gayunman sa himpilan ng pulisya sinabi ng suspek na kaya niya inupakan ang mga biktima ay dahil sa sobrang init ng kanyang ulo matapos hulihin ng mga Bantay Bayan. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.