Bumbay, Tiklo sa Granada

ARESTADO ANG isang Indian national dahil sa hawak-hawak nitong gra-nada sa Brgy. San Juan, Cervantes, Ilocos Sur.

Kinilala ang suspek na si Avatr Singh Sathi, 28, residente ng naturang barangay.

Lumalabas sa ulat ng PNP Cervantes, may tumawag sa kanila na isang concerned citizen tungkol sa salarin na may hawak na isang granada.

Agad na rumesponde ang mga kinauukulan at nadatnan pa ang dayuhan na hawak-hawak pa rin niya ang nasabing pampasabog.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek.

Inaaalam din ng mga kapulisan kung saan niya kinuha ang granada at kung saan niya ito gagamitin. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.