Bumbay, Sugatan sa Pag-alma sa mga Holdaper

SUGATAN ANG isang negosyanteng Indian national matapos makipagsuntukan sa mga holdaper sa highway ng Barangay Sinunuc sa Zamboanga City.

Kinilala ang dayuhan sa pangalang Harpreet, 23, nagnenegosyo ng buy and sell at pansamantalang nakatira sa Falcatan Drive, Barangay Tetuan ng lungsod.

Nabatid na pauwi na ang negosyante galing sa pangongolekta ng bayad ng mga ibinibigay niyang installment bandang alas-10:00 ng umaga sakay ng kanyang motorsiklo nang mapansin umano nito na sinusundan siya ng motorsiklo na walang plate number kung saan nakasakay ang dalawang salarin.

Pagdating sa nasabing lugar ng insidente, biglang tinadyakan ng isa sa dalawang suspek ang motorsiklo ng biktima kaya huminto siya.

Una umanong inagaw ng isang suspek ang cellphone ng banyaga pero hindi nila nakuha ang nakolektang pera ng negosyante dahil lumaban ito na nauwi sa suntukan.

Samantala, nagtamo ng ilang bugbog at sugat sa katawan ng banyaga habang ang dalawang holdaper ay nakatakas.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.