Bumbay, Itinumba ng Tandem

PATAY ANG isang Indian National matapos barilin ng riding-in-tandem sa Quezon City, ayon sa pulisya kamakailan.

Nakilala ang biktima na si  Jagrup Singh, 48,  negosyante, residente ng Palmera Homes, Novaliches, sa lungsod.

Naganap ang insidente sa Petron Gasoline Station na matatagpuan sa Payatas road malapit sa Violago Homes, Brgy. Payatas ganap na alas-12:05 ng tanghali.

Lumalabas sa report na dumaan ang biktima sa gas station para pakargahan ang kanyang motorsiklo nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang mga salarin at saka pinagbabaril ang una. Matapos matiyak na patay na ang biktima ay mabilis nang nagsitakas ang mga sslarin.

Sinabi pa sa report, nagtamo si Singh ng isang tama ng bala sa kaliwang dibdib na agad na ikinasawi nito. Samantala, hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa krimen habang isinasagawa pa ang pagsisiyasat ukol dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.