Bumabawi kay Manny: Jinkee Pacquiao, nakipagdate kay Derek Ramsay? – Alex Brosas

CLUELESS SI POKWANG kung bakit nagsalita si Willie Revillame sa Wowowee kamakailan matapos na pagsabihan daw siyang stubborn.

Isang bossing daw ng Dos ang nagsabi kay Willie na matigas na ang ulo ng TV host.

“Wala kaming kaalam-alam talaga. Ang dami ngang nagtatanong sa akin, pero hindi ko masasagot ‘yan kasi siya naman ang humaharap sa kung anuman ‘yong problema. Si Kuya naman kasi, ang daling bumawi. Sasabihin niya, tapos mamaya makikipaglandain na sa amin,” esplika ni Pokwang.

Ano ang reaksiyon niya sa banta diumano ni Willie na lalayasan na niya ang show?

“Ay hindi siya puwedeng umalis, huwag, dahil hindi niya kami gustong magutom. Mahal niya kami,” say ng komedyante.

Stubborn nga ba si Willie?

“Sobrang mahal niya ang trabaho niya. Nakita ko siya, sobrang… ang aga-aga  niyang pumapasok. Ikaw, sobrang pagmamahal mo sa trabaho mo, tapos sa paligid mo…. Ganoon din kasi ako sa trabaho. Pero, hindi ko naman sinasabing pantayan mo ang kaadikan ko sa trabaho.Makulit lang pero ang pangungulit niya, may reason naman,” esplika ni Pokwang.

This Christmas, hindi pa rin matutupad ni Pokwang ang hiling ng anak niyang magbakasyon sandali sa Hong Kong.

“Wala nga, hindi nga matutupad. Eh, kasi, ang daming trabaho.

Naintindihan naman niya. Ang sabi ko sa kanya, ‘anak, hindi panghabangbuhay ito. Ginagawa ko ito para sa iyo para ‘pag hindi ka nakatapos at bigla kang nag-asawa, mayroon kang pera.’”

HOW TRUE NA nag-date sina Derek Ramsay at Jinkee Pacquiao?

Sa isang interview niya recently ay kinumpirma raw ni Angelica Panganiban na nag-dinner sina Derek at Jinkee.

At nang sabihin sa kanya na date nang matatawag ‘yon ay casual lang ang naging reaction ng dalaga, “How sweet naman.”

Anyway, nagkita raw sa isang event sina Jinkee at Derek sa General Santos City. Tinanong daw ni Derek kung paano siya magkakaroon ng rubber shoes ni Manny Pacquiao. Sinabi ni Jinkee na exclusive lang iyon at manggagaling pa raw sa States. Pero, kinuha raw ni Jinkee ang size ng paa ni Derek at noong dumating na ang sapatos ay kaagad niya itong tinawagan. Ito raw ang dahilan kaya sila nagkita muli.

Kaloka talaga ang tsismis, nagkita lang sina Derek at Jinkee ay kung anu-ano na ang tsikang kumalat. Eh, hindi lang naman daw silang dalawa ang magkasama noong magkita sila, may mga iba pa silang kasama kaya hindi raw matatawag na date iyon.

Talagang sikat na nga si Jinkee kaya bawat kibot niya ay pinag-uusapan at binibigyan ng kahulugan.

Anyway, may grand presscon pa naman ang movie nina Angelica at Derek kaya tiyak na iintrigahin silang dalawa tungkol sa isyung ito.

BLIND ITEM: SINO itong young actor na naghihinanakit sa kanyang producer dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya binabayaran para sa kanyang serbisyo?

One year nang natapos ng aktor ang movie, pero until now ay hindi pa rin daw siya fully-paid ng kanyang producer. Hindi naman niya alam ang gagawin, kung masisingil pa niya ito o hindi na.

Active pa rin naman ang producer sa paggawa ng pelikula, kaya lang mukhang nakalimutan na niya ang utang niyang talent fee sa aktor. Ni hindi nga niya naisip na i-cast ito sa kanyang pelikulang ginagawa.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

5 thoughts on “Bumabawi kay Manny: Jinkee Pacquiao, nakipagdate kay Derek Ramsay? – Alex Brosas

  1. di ako maka-jinkee or manny, pero eto lang masasabi ko: MAMATAY KAYO SA INGGIT! wahahaha. kahit anu sabihin nyo, pakialam ba nyan?! you dont matter to them, di sila kumikita sa inyo… and yes haynaku, maraming nagagawa ang pera, na obviously ay wala ka. hahaha.

  2. hay naku, jinkee, wag mo ng ambisyonin si derek. u may have all the money in the word but u can’t buy class…. i remember your looks way before your hubby became what he is now, ang magagawa nga naman ng pera. you always blurt na you need privacy, pero mahilig pa ding humarap sa camera…

Leave a Reply

Your email address will not be published.