Bully, Todas sa Boga ng Kababata

HINDI NA nakapagtimpi pa ang isang 22-anyos na binata matapos nitong pagbabarilin at mapatay ang kanyang kababata na pala¬ging nambu-bully sa kaniya sa Cebu City.

Kinilala ang nasabing biktima na si Alimar Sumbilon Jabonillo, 23 anyos, habang ang salarin ay nakilala namang si Jonathan Ocaba, 22 anyos, pawang residente ng Brgy. Duljo Fatima sa lungsod na ito.

Base sa report ng Cebu City Police, nangyari ang insidente sa bisinidad ng Spolarium St., Brgy. Duljo Fatima, Cebu City dakong alas-6:30 ng gabi nitong Huwebes.

Dinakip naman ng mga nagrespondeng operatiba ng Cebu City Police ang salarin na si Ocaba na inamin ang pamamaril.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, kasalukuyan umanong naglalakad ang biktima sa naturang kalye para bumili ng pagkain sa karinderya nang bigla na lamang itong pagbabarilin ni Ocaba gamit ang .45 caliber pistol.

Dead on the spot ang biktima sa insidente sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dinala naman sa Cebu City Medical Cen¬ter ang salarin matapos itong kuyugin at bugbugin ng galit na mga kapit-bahay bunga ng insidente.

Samantala, base na rin sa pag-amin ng suspek, naubos na umano ang kanyang pasensya sa biktima dahil bata pa lamang ay binu-bully na siya nito kaya naisipang bumili ng baril para gumanti at patayin ang kababata.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.