Sugod Shooting: Bulaklak ni Rosalinda

Kinakikiligan ngayon sa GMA Telebabad ang pag-iibigan nina Fernando Jose at Rosalinda. Ginagampanan ito ng nagbabalik-Kapuso na si Geoff Eigenmann at ng baguhang si Carla Abellana. Mukhang sa wakas ay nakahanap na ang Kapuso network ng bagong tambalang susunod sa yapak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Isa pa sa mga inaabangan sa Rosalinda ay ang mga supporting cast nito. Nariyan si Katrina Halili bilang Fedra, ang kapatid ni Rosalinda na magiging pinakamatinding karibal nito. Ka-join din si Sheena Halili bilang si Becky, ang kikay na sisteret ni Rosalinda. Aabangan din natin ang kakaibang love story nina Don Florencio (Roderick Paulate) at Rico (Mike Tan)? Naku, paniguradong excited na kayong makapanood ng isa pang episode, ‘no?!

Habang wala pa ang gabi, enjoy n’yo na lang muna ang mga larawang nakuha namin sa taping ng Rosalinda. Ay, amor!

By Mica Rodriguez

Click to enlarge.

loading...

One thought on “Sugod Shooting: Bulaklak ni Rosalinda

Leave a Reply

Your email address will not be published.