Bulakenya, kinoronahang Miss Chinatown 1st Runner-Up

DAHIL SA aking ganda at talino, isang  Bulakenya-Chinese beauty queen ang itinanghal bilang first-runner up at mag-uwi ng dalawang espesyal na award sa idinaos na Mr. and Ms. Chinatown Philippines kamakailan na ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Ipinrisinta ni Bise-Gob. Daniel Fernando ang  20-anyos na si Maricon Cho na tubong-Barangay Matungao, Bulakan, sa harap ng mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan.

Nasungkit din nito ang Ms. Congeniality at Best in Swimwear Awards kung saan naiuwi niya ang  P300,000 cash prize at libreng biyahe sa Misibis Bay.

Ayon naman kay Gob. Willy  M. Sy-Alvarado, ipinagmamalaki ng mga Bulakenyo ang kanyang husay at galing. 

Ang nasabing first-runner up beauty queen ay nagtapos ng Business Admininistration Major in Management sa Philippine School of Business Administration.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.