Bulakbol na sikat na aktres, sipsip sa titser kaya nakapasa!

PASUKAN NA NAMAN, mahigpit na naman ang trapik sa halos lahat ng kalye. Pero tuwing balik-eskuwela na ang mga estudyante, iba naman ang naaalala ng isa naming impormante.

Tungkol ‘yun sa isang sikat nang aktres ngayon na kilalang-kilala noon sa kanilang eskuwelahan sa taguring teacher’s pet. Pero hindi dahil sa matalino siya, at hindi dahil kinakabog niya sa grades ang kanyang mga kaklase, kundi dahil sa mahilig siyang magpadulas sa kanilang mga teachers.

Kuwento ng aming source, “May kahinaan kasi ang kukote ng babaeng ‘yun, matalino naman sana siya, ang problema lang, wala siyang focus. Mahilig kasi siyang magbulakbol.

“Siya ang leader ng kanilang klase sa pagka-cutting classes, wala siyang tiyaga sa pag-aaral, pero nakapapasa siya, ha?” Simulang kuwento ng aming source.

Kung bakit at paano siya nakapapasa sa klase ay isang mahabang kuwento. Du’n na papasok ang titulo niya bilang teacher’s pet. Malakas ang magandang aktres sa kanilang mga guro dahil mahusay siyang maglangis.

“Talagang namumuhunan siya, kung anu-ano ang inireregalo niya sa mga teachers nila. Alam niya kung ano ang gusto ng mga teachers niya, meron talaga siyang listahan nu’n.

“Minsan, personal na kagamitan ang ibinibigay niya, minsan naman, mga favorite food ng mga teachers nila. Hindi naman mukhang lagay ang mga teachers, pero may sariling drama ang babaeng ‘yun para hindi siya bumagsak sa klase,” kuwento pa rin ng aming impormante.

Mula sa elementarya hanggang sa high school, hindi naging repeater ang magandang aktres, pasang-awa nga siya dahil puro palakol ang kanyang mga grades, pero ang mahalaga ay pumapasa siya.

“Wala talaga siyang hilig sa pag-aaral, inaantok siya sa klase, recess ang favorite subject niya. Marunong makisama ang lokah, kaya kahit sa mga exam nila, nakalulusot pa rin siya. Magaling siyang mangopya, reyna rin siya ng kodigo, lahat ng kalokahan sa loob ng klase, alam na alam talaga niya.

“Hindi na siya nakapag-college, nag-artista na kasi siya, sinuwerte naman siyang makilala kaya maganda ang kanyang kinikita. Napakinabangan niya ang kanyang ganda, in fairness, siya ang palaging muse ng kanilang klase nu’ng nag-aaral pa siya,” pahayag pa rin ng aming source.

Madaling hulaan kung sino ang aktres na ito, nakahihilo-nakalalasing ang klase ng inumin na pinagkunan ng kanyang pangalan, harinawang hindi sundan ng kanyang anak ang yapak ng tinalunton niya bilang isang mag-aaral.

by Cristy Fermin

loading...

3 thoughts on “Bulakbol na sikat na aktres, sipsip sa titser kaya nakapasa!

  1. Angel Locsin bobita kasi yun! hahaha hindi siya nakapag college kasi nung high school siya pumasok na siya sa showbiz

Leave a Reply

Your email address will not be published.