Bulacan river clean-up, pinaigting

PINAIGTING PA NG Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang river clean-up drive nito sa pamamagitan ng pagtatanim na isang milyong puno hanggang Disyembre ngayong taon sa ilalim ng Mangrove Tree-Planting Project sa Obando, Bulacan makaraang maabot na ang pagtatanim ng may 200,000 mangrove sapling kamakailan.

Ang Mangrove Tree-Planting Project sa Obando ay malaking bahagi ng Marilao-Meycauayan-Obando River System (MMORS) clean-up drive na inilunsad kamakailan ni Bulacan Gob. Wilhelmino C. Alvarado upang pagtulungang trabahuhing mabura ang pa-ngalan ng kailugan ng lalawigan sa listahan ng 30 pinakamaruming ilog sa buong daigdig na naitala ng Blacksmith Institute na naka-base sa New York City.

Ang linis-sagip-ilog na programang ito sa Bulacan ay bilang pagsunod na din sa Writ of Kalikasan at Writ of Continuing Mandamus na idineklara ng Korte Suprema noong nakaraang taon upang mapanumbalik ang sigla at kalinisan ng Manila Bay sa pamamagitan na rin ng paglilinis ng mga karatig ilog na kunektado dito.

Ang MMORS clean-up drive ay pangunahing proyekto ng MMORS-Water Quality Management Area Governing Board sa pa-ngunguna ng chairwoman nitong si DENR-Environmental Management Bureau chief Director Lormelyn Claudio, co-chairman Gob. Alvarado, sa partisipasyon ni Mayor Orencio Gabriel ng Obando na tumatayong host ng Obando Sanitary Landfill na pagtatapunan ng mga basura at duming makakalap sa paglilinis ng kahabaan ng kailugan, Mayor Joan Alatilla ng Meycauayan at Mayor Epifanio Guillermo ng Marilao.

Inimbitahan din ni Gob. Alvarado sina Ma-yor Sherwin Gatchalian ng Valenzuela City, Mayor Recom Echiverri ng Caloocan City at Mayor Tito Oreta ng Malabon City na sumama at makilahok sa river clean-up program.

Ang Mangrove Tree-Planting sa Obando naman ay proyektong pinagtutulung-tulu-ngan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gob. Alvarado, ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa ilalim ni Elizardo B. Alberto, ng Bulacan Environment and Natural Resour-ces Office (BENRO) sa ilalim ni Atty. Rustico de Belen, lokal na Pamahalaan ng Obando sa pamumuno ni Mayor Gabriel, Municipal Agriculture Office ng Obando, Barangay Salambao sa ilalim ng liderato ni Barangay Chairwoman Zenaida Sarmiento, DENR-EMB Director Claudio at sa pakikipagtulungan ng Ecoshield Development Corporation na kinakatawan ni Architect Rafael B. Tecson.

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Bulacan river clean-up, pinaigting

  1. Pingback: Bulacan river clean-up, pinaigting | Pinoy News

  2. Pingback: Bulacan river clean-up, pinaigting - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.