Bulacan Public Safety, Naka-Full Alert Na

UPANG MATIYAK ang kaligtasan ng mga bakasyunista na magsisiuwi sa kani-kanilang mga probinsya, inilagay na sa full alert status ang buong puwersa ng Bulacan PNP bago pa man ang paggunita sa panahon ng Kuwaresma.

Inatasan na ni P/Supt. Fitz Macariola ang lahat ng miyembro ng Provincial Public Safety Company na higpitan ang pagbabantay sa mga matataong lugar na inaasa-

hang dadagsain ng mga debo-tong mananampalataya, partikular na ang mga simbahan na sinasabing nagpapagaling sa mga maysakit, tulad ng Divine Mercy Church sa Marilao at Grotto Church sa siyudad ng San Jose del Monte.

Aniya, bukod pa rito ang pagbabantay sa lugar ng nagpepenitensiya sa Brgy. Capitangan sa bayan ng Paombong, kung saan ginaganap ang pagpapako sa mga namamanata.

Dagdag pa ang pagbabantay sa mga malalaking gasolinahan sa kahabaan ng North Luzon Expressway na karaniwang hinihintuan ng mga bakasyunista.

Kung saan tatlong shift ng mga pulis ang itinalaga upang matiyak na walang mananamantala na kawatan sa mga nabanggit na lugar.

Ayon naman kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., all systems go na ang buong puwersa ng pulis sa kanilang mga assignment upang maprotektahan ang publiko sa mga masasamang elemento na nagnanais gumawa ng hindi maganda sa kanilang kapwa.

Kaugnay nito, nanawagan din ang opsiyal sa mga residente na maging mapagmatiyag at i-report agad sa mga awtoridad kung sakaling may mapansin silang mga tao na may kahina-hinalang kilos at armado.    (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.