Bulacan Provincial Jail, Pilot Project ng “AlkanSSSya” sa Region III

PERSONAL NA pinuntahan ng mga opisyal ng Social Security System(SSS) ang Panlalawigang Piitan ng Bulacan upang hikayatin ang mga bilanggo na maging miyembro ng SSS sa programa na tinawag ni-lang “AlkanSSSya” para sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya.

Sa pagpunta nina Officer-In-Charge for SSS Luzon Group Ms. Josei Magan at AVP for Region-III Ms. Vilma Agapito at SSS Malolos Branch Head Francisco Lescano, labis ang naging tuwa ng mga opisyal ng nabanggit na ahensya, dahil positibo ang pagtanggap ng mahigit sa 2,000 inmates dito.

Ayon kay Ret. Lt. Col, Pepito Plamenco, Provincial Warden ng BPJ, marami sa mga nakakulong na bilango ang mag-iimpok sa programang “AlkanSSSya” kung saan buwanang magbibigay ng kontribusyon ang mga inmate ng halagang P312 pesos.

Aniya, habang nasa loob sila ng kulungan, patuloy ang kanilang buwanang paghuhulog kung saan sa pamamagitan ng ginawang maliit na pouch bag, doon nila ilalagay ang kanilang mga ipon na pera at pagkatapos ay ilalagak sa ginawa nilang munting kaha na mistulang isang uri ng vault na magsisilbing bangko sa loob mismo ng bilangguan.

Ayon naman kay Mayor Rick Iberra, ang itinutu-ring nilang pangkalahatang ama ng Bulacan Jail, maaari silang mag-impok sa nabanggit na programa ng SSS, na tiyak na malaki ang maitutulong sa kanilang pamilya, dahil maaari silang mangutang sa pamamagitan ng paglo-loan.

Aniya, walang dapat ipangamba ang SSS sa sistema ng pagbabayad ng buwanang hulog dahil maraming kabuhayan na pinagkakakitaan ang mga inmate tulad ng handicrafts na buntal, basket na abaca, mga figurine at marami pang iba.

Ayon naman kay Ms. Magana, plano nilang gawing Pilot Project sa Gitnang Luzon ang Piitan ng Bulacan upang mahikayat din ang iba pang panlalawigang piitan sa anim pang mga probinsya, upang matulungan ang mga bilanggo kung saan kailangan lamang ng halos 70 inmates upang maibigay ang programang “AlkanSSSya” ng ahensya.

Aniya hindi lamang sa inmates, maaari ring makakuha ng ganitong pribilehiyo mula sa SSS ang mga samahan ng tricycle driver, jeepney driver at iba pang grupo sa iba’t ibang bayan at lalawigan sa Gitnang Luzon.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.