Bulacan, Nasa State of Calamity Na

AGAD NA nagdeklara si Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado na ang Bulacan ay nasa ilalim na ng “state of calamity” bunsod ng walang tigil na malakas na pag-ulan simula pa noong Lunes na nagdulot ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa lalawigan.

Inilabas ang deklarasyong ito matapos ang pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na ipinatawag ng gobernador at mapagtibay ang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Bise Gob. Daniel Fernando.

Sinabi ni Alvarado, tagapangulo ng PDRRMC, na nagdala ang south-west monsoon ng malakas na pag-ulan kung saan 222 barangay sa 18 bayan at tatlong lungsod ang nalubog sa baha.

Naapektuhan ang 75,-365 pamilya kung saan 7,000 sa mga ito ang inilikas papunta sa 115 evacuation centers at nasira ang maraming ari-arian, imprastraktura at agrikultura.

Ayon pa sa gobernador, pinakaapektado ang bayan ng Obando, kung saan lahat ng 11 barangay nito ang nasalanta ng dalawa hanggang limang pulgada ng tubig-baha.

Hiniling din ni Alvarado sa Ipo at Bustos Dam na pansamantala munang itigil ang paglalabas ng tubig upang huwag nang madagdagan ang baha na magmumula sa Nueva Ecija at Pampanga na sinasalo ng mga bayan ng Calumpit at Hagonoy.

“Sinabihan natin sila na itigil muna ang pagpapa-kawala at huwag sabayan ang pag-uho ng tubig-baha na nanggagaling sa mga karatig-lalawigan ng Nueva Ecija at Pampanga. Everything is properly coordinated. We have been constantly monitoring the two dams as well as the water elevation of Angat Dam and regularly coordinate with dam officials. Kung kaya ng kailugan (Angat river) at ng Laba-ngan channel, then it will be the time we will allow to release but it should be done gradually,” dagdag pa ni Alvarado.

Sinabi pa ng gobernador na patuloy ang pagdadala ng mga relief goods at gamot sa mga biktima ng pagbaha, at alerto pa rin ang mga rescue team sa pagtulong sa mga nanga-ngailangan ng paglikas.

Nagtala ang Angat Dam ng 209.10 meters water elevation (spilling level of 210 meters) at ang Ipo Dam ng 100.30 meters noong Miyerkules ng tanghali.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.