Bulacan Mayor Patrick Meneses will make sure to see Aiko Melendez in court

NASORPRESA RAW SI Valenzuela City Councilor Shalani Soledad sa bonggang asalto at birthday party na inihanda for her ng mga kasamahan niya sa programang Wil-ling Willie sa pangunguna ng main host nito na si Willie Revi-llame.  Ang akala umano niya kasi ay isang simpleng salu-salo lang ang magaganap. Pero isang engrandeng party nga ang nangyari na ginanap sa Gazebo Royale sa may Visayas Ave., Quezon City last April 26, the night before her birthday which was last April 27.

Bago ang kanyang birthday, nakausap namin ang konsehala last Sunday after she guested live sa Paparazzi. Una naming nausisa ay kung ano ang birthday wish niya.

“Naku mararami!” ani Shalani. “Number one is sana mag-improve pa ako as a host. At saka siyempre sana mas tumagal pa ang Willing Willie. Also, sana mas maging effective pa tayo. Sana mas marami pang projects na    magawa  tayo   for   Valenzue-la City. Sana makapag-save ako para I can buy my own house this year. And then, kasama rin siyempre ang lovelife.”

Meron na siyang bagong lovelife?

“Ah… sana nga maging masaya ‘yong aspect na ‘yon,” ang nangiti lang niyang sagot.

Pero meron na nga ba talaga? Meron nang special someone na nagpapasaya sa kanya ngayon maliban sa kanyang pamilya at mga kaibigan?

Natawa ang konsehala.  Kasunod ang maikli na namang pahayag niyang, “’Yon na nga. Sana maging masaya.”

So kahit matagal nang hinihinalang may something special nang namamagitan sa kanila ni Willie Revillame, wala pa nga talaga?

“Kami kasi ni Willie… si Willie, makulit, eh. What you see on air, that’s how we really are. ‘Yong nagkukulitan.

“Si Willie kasi, mabiro. And Willie is also very charming with ladies. That’s his usual way, so… That’s how he really is.

“So we really  enjoy  each  other’s company. And makikita n’yo naman sa Willing Willie, we really do enjoy the show.”

Sila ni President Noynoy, may communication pa ba? Kasi nagtapos man ang kanilang relasyon, may naiwan namang pagkakaibigan sa pagitan nila. At may nasabi ba itong anuman sa kanya kaugnay ng isyung kinasangkutan ng Willing Willie kung saan isa siya sa co-host sa programa?

“From the start naman, one thing Noy and I have in common is our respect for our work. Since then. So hanggang ngayon, I would like to think na-carry over pa rin ‘yong respeto na meron kami in terms of each other’s work and each other’s interest.”

How does she feel do’n sa mga girls na nali-link kay PNoy?

“I would like to evoke my right to self incrimination,” natawang sagot na lang ni Shalani.

‘Yun na!

DAHIL SA NARARAMDAMANG galit sanhi ng diumano’y paninira sa kanya ng dating girlfriend na si Aiko Melendez, wala na nga yatang makapipigil kay Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na magsampa ng demanda. Pero ang aktres naman, itinatanggi ang tungkol dito.

Ang kaagad ngang naging reaksiyon ni Aiko sa kanyang Twitter, “When I’m at fault will admit it. But when I know that I did nothing, will fight this ‘til the end with dignity.”

Kasunod nito ay ang paglalabas niya ng saloobin sa isang exclusive interview sa kanya ng SNN. Matigas niyang pinaninindigan na wala siyang alam tungkol dito at hindi raw niya personality ang manira.

Kahapon (April 28) ang takdang pagsasampa ng kaso ni Mayor Patrick Meneses at ma-ging ang inili-link sa kanya na karelasyon umano niyang mayor naman ng Pandi, Bulacan na si Enrico Roque laban nga kay Aiko. Libel at paninirang puri ang isasampa ng dalawang alkalde sa Malolos Regional Trial Court.

Sa panayam namin kay Mayor Meneses, talagang desidido siyang i-pursue ang case. Ni hindi na niya gugustuhin pang magkausap muna sila ni Aiko para magkalinawan.

“I’ll see her in court. I will not take this sitting down,” aniya nga.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Comments are closed.