Bulacan Mayor Patrick Meneses filed libel charges against ex-girlfriend Aiko Melendez and 3 others

BA’T ME MGA taong imbes na maging tulay o instrumento ng pagbabati ng dalawang tao eh, haping-happy na nakikitang nagbabangayan ang mga ito?

Nakakalungkot, ‘no? Pero ‘yan ang masaklap na katotohanan ng buhay. Kung ang teknolohiya nga, ang bilis ng palit, ba’t hindi puwedeng ang ugali, lalo na kung masama at nakagawian na, ang hindi baguhin?

Imbes na pasulong, paurong ang pagtanda ng ibang tao. Hindi naman po kami santo, pero lalong hindi kami demonyo. Me mga kagagahan din naman kami sa buhay, pero may realization kami.

Nagtataka lang kami, kasi, ang sarap-sarap ng feeling na kaya nagkaayos ang dalawang tao eh, dahil sa ‘yo, ‘di ba?

Mahirap bang gawin ‘yon? O, mas madali lang talaga para sa ibang tao ang pag-away-awayin ang mga tao?

Kunsabagay, lahat naman ng salita, may kabaligtaran, eh.

Pero sana, salita lang dapat, hindi ang sitwasyon.

BLIND ITEM: ALIW na aliw kami sa kuwento ng isang artista. Nagpiktoryal kasi sila para sa isang teleserye. So isa-isa ang piktoryal.

Tapos, nu’ng turn na ng bidang babae (na, kung anu-anong expression ng mukha ang ipinagagawa ng photographer)…

“Ok, smile!” smile naman ang aktres.

“Ok, serious this time!” sumeryoso naman ang face ng aktres.

“Ok, this time, show some fierce!”

Nalokah ang photographer. Ang inaasahan niya kasi, punum-puno ng galit ang mukha ni Aktres na mukhang “maliit” ang “apelyido.” Kaso, ‘yung face ng aktres, punumpuno ng takot!

“No, show me some fierce!”

“’Eto na nga,” nagpakita na naman ng mukhang punum-puno ng takot ang aktres.

Lihim na nagtawanan ang ibang kasama sa pictorial, dahil noon lang nila na-realize na iba pala ang pagkakaintindi ng aktres sa “fierce.”

Galit na bakas sa mukha ang gustong makita ng photographer. Ang ginawa ng aktres, nagpakita ng mukhang punumpuno ng “fears.”

NAKAKATAWA ‘TO. WALA sa isip ng aming source na meron palang “something” na nagaganap.

Sa opisina ng Viva Films nu’ng Tuesday ay may meeting si Candy Pangilinan, dahil she is being co-managed na rin by Viva Artist Agency.

‘Eto na nga, pagkatapos ng meeting nito, may nagbanggit kay Candy na nandu’n sa isang function room si Vice Ganda, nagmimiting para sa major concert sa July 1 sa Araneta Coliseum.

‘Eto namang si Candy, na-excite. Nagpunta sa function room. Imbes na magkabaklaan, umalingawngaw ang mga batian, “behaved” daw ang mga pipol.

Pa’no kasi, nag-kagulatan sina Candy at ang ex-boyfriend nitong si Direk GB Sampedro. Deadmahan daw at ‘yung iba na lang ang binati ni Candy.

Hahaha! ‘Yun na.

Ang liit lang talaga ng earth, ‘di ba?

PORMAL NA NGANG nagsampa ng kasong libel si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses sa Malolos Regional Trial Court kahapon nang hapon laban sa amin, kay Cez Gella, Ronald Rafer at sa ex-girlfriend nitong si Aiko Melendez.

Ganunpaman, mayroon din kaming pagkakataong patunayan na kami ay inosente.

Saan kaya hahantong ang demandahang ito?

Kami ay naniniwalang hindi natutulog ang Diyos.

Buo pa rin ang aming stand: Naaawa kami kay Patrick, dahil hindi kami ang nilapitan niya para mas nagabayan siya nang tama.

Sabi nga namin sa kanya nu’ng tineks namin siya, “After all, ninong pa rin siya ng aming anak.”

Hindi kami “nagsusunog ng tulay” sa mga kinuha naming “pangalawang magulang” ng aming mga anak.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

18 thoughts on “Bulacan Mayor Patrick Meneses filed libel charges against ex-girlfriend Aiko Melendez and 3 others

  1. Magdemandahan kayo hangga’t gusto nyo ganoon talaga ang mga sikat and mayayaman…palaging nagkakasangga, nagkakaaway….sa dami ng pera nila mas gusto nilang igastos sa mga abogado. Kami naman eh manonood ng mga kalokohan nyo…oy paki pasa nga nga popcorn at chicharon, abangan ang susunod na kabanata!

  2. hahahaha mukhang pera talaga yan si kristy fermin. maganda aman yung juicy dati ah. nung wala pa si kristy fermin sa show. hahahaha.

  3. tama kayong kahat! kaya nga di ako nanonood ng Juicy at Paparazzi sa TV5 e. kasi una pala lng masyado nang bias si Cristy Fermin. Mahahalata mo sa mga comment nya kung sincere at plastic sya sa mga sinasabi nya. Dati galit na galit kay Marianne Rivera yan, pero ngaun, halos halikan na nya ung pwet nung tao. Ganun din sya dati kay Willie R., dati nung nasa ABS-CBN pa sila, lalo nung wala pa ang Wowowee, sobrang galit at panlalait nya kay Willie, pero nung nagka-show at naging mayaman at mapera si Willie, sinasamba na ngayon at laging dinidepensa ni Cristy PERAmin. kung sa bagay…

  4. Ogie, mas humanga ako sa iyo ngayon. Kaw naman ngetpa na Cristy F., katatapos lang ng Semana Santa ay nagaasal Demonyo ka na naman. Kelangan ka ba magpapakatao animal ka. Ayusin mo nga buhay mo hinayupak ka ng lintek.

  5. saludo ako sau ogie dahil kahit papano nagsalita kana about crispy pata na dapat matagal ng wala yan sa showbiz ewan ko ba at bakit may kumukuha pa dyan eh wala namang alam gawin kundi manira ng buhay na may buhay..tama ka ogie imbes na pag batiin nya ang dalawa lalo pang pinag away…

  6. ano BA MGA VAKLUesh! eh bakla naman  kasi talaga eh,,, mega deny pa.. anu ba kayo mga bingi? are you all BLIND? EH ANO NAMAN kasi kung vaklush kayong mga mayors kayo, waht’s wrongs??? eh di vakhla kung vakhla! ano ba? at saka bakit pa nyo dedemanda si aiko na dati mo namang kasintahan kung talagang MEN in black ka mayora meneses eh di deadma nyo na lang sana ng syota mo.. o deadma na lang para wish sa pagka bukelya… at kayo namanng mga vaklush dito ano ba ang totoong issue? 

  7. Tama ka Jose. Masaya na sya kasi may nasira na naman syang buhay. Hindi ba ang demonyo ganyan din, masaya pag nakakagawa ng masama?

  8. panu kasi shrek na yan eh….maitim ang budhi….magpakailanman….demonyita at mukhang pera…ang itim talaga ng budhi….

  9. Baka ma involved dito sa kaso si Cristy Fermin kasi doon sa illegally acquired messages nanggaling ang gulo na ito at baka makasuhan din si Cristy Fermin ng kaso laban sa may-ari ng social networking na kung saan man galing ang mga DM na yon. Sana nga makasuhan na naman Fermin regarding dito kong saan man galing ang mga DM na yon or kong may kinalaman man si Cristy kung paano man ang mga messages na acquire and from whom? Hay naku itong si cristy, kaya low ang mga ratings ng Juicy kasi daming galit sa kanila.

  10. Paano kaya nakuha ni Cristy ang personal messages na yon? Na-hack kaya nya ang account ni Aiko? Tinatanggap ba
    ng court illegally acquired na ebidensya?

  11. sa pagmumukha palang ni cristy fermin eh mukhang delikado ng kaibigan yan.oportunista yan nakay galing gumawa ng salitang matalinghaga. at tuwan-tuwa na nagkakagulo sa showbiz.si willie revillame,kaya hindi matira nyan kahit puro katarantaduhan at kayabangan pinaggagawa eh okay lang.kasi eh paldo ang willie sa pera.magkakasakit din yan pagdating ng panahonat papahirapan yang cristy fermin na mukhang manager ng maliit na club sa bokawe.dapat dyan tawagin mama SANG CRISTY.as in malansa lumalabas sa bunganga palagi.

  12. If I am not mistaken, d ba Ninang c Cristy sa kasal nina Aiko at Martin Jickain?
    D me makapaniwala na magagawa ng NINANG sa INAANAK ang ganito. Kung totoo man ang ginawa ni Aiko laban kay Patrick d ba dapat pinangangaralan at ipatutuwid sa inaanak ang mga pagkakamali dahil yon ang role ng ninang?So nakakatakot palang maging kaibigan c Cristy dahil kapag naging malapit ka sa kagalit nya eh titirahin ka nya makaganti lang????

  13. @Jose de Leon, very well said!!! Okay Mama Ogs, show us some balls and it’s time to put the past behind , you have already paid your dues to that woman. Besides, she might have introduced you to the showbiz and you got where you are now because partly because of that woman but you also have to remember that YOU HAVE A GIFTED TALENT THAT MOST PEOPLE DON”T HAVE AND YOUR TALENT AND BEING WISE AND WITTY ARE WHAT GOT YOU TO WHERE YOU ARE RIGHT NOW. IF YOU DON’T HAVE THE ABOVE QUALITIES, EVEN IF SHREK TOOK A PART IN WHERE YOU ARE RIGHT NOW, YOU WOULD STILL NOT BE STANDING WHERE YOU ARE RIGHT NOW, BECAUSE GOOD TALENT GOES A LONG WAY AND THAT IS THE REASON WHY YOU ARE STILL HOT RIGHT NOW BECAUSE YOU HAVE THOSE TALENTS AND NOT BECAUSE OF THE SHREK! AND MAMA OGS, YOU KNOW THAT I’M RIGHT, right Mama Ogs?

  14. so alam mo na ogie ang karakas ng idol mo?…ikaw kasi eh alam mo na ang kasamaan ng ugali nya, sinakyan mo pa talaga…alam ko na malake ang utang na loob mo sa kanya pero nagtatarabaho ka anaman eh…tama ka hinde ka nga demonyo pero muntik ka ng pumunta dun…kung di sa nangyaring ito, matatalikuran mo ba si fermin?…hay ogie kelangan pang mademanda ka para magising…..ito na siguro ang panahon para ilabas mo ang mga baho ni fermin….para maniwala ako na di ka nga demonyo…

  15. hayupak na cristy yan, dapat diyan bino boycott sa tv!! kaya daw ginaganyan ni shrek si aiko para magantihan si boy abunda dahil alaga niya si aiko! kailan kaya makakarma si cristy?

  16. Iyan kasi si Chaka Ma’am, Iyan ang pinakain nya sa mga anak nya, ang galing sa masama at maruming bagay kesihudang may masaktan basta maka scope lang ang demonyo.

  17. hindi na talagang magbabago si fermin. nakatulog kaya siya sa ginagawa niyang paninira sa mga taong wala namang ginagawang masama sa kanya? ratings lang ba ng show ang importante sa kanya? wala sa bocabularyo niya ang pakikipag kapwa tao. hindi kaya siya ikinahihiya ng mga kamag-anak niya? makarma sana ng husto itong taong ito. paging mr. pangilinan, ito-tolerate niyo ba ang ganitong klase ng empleyado o a tv5 ay isang low class na network?

  18. Its good that kahit pano binananatan mo na si Cristy Fermin, sihe lang pangalanan mo na sya tutal sobrang sama na ng ginagawa nya. Although malaki utang na loob mo sa kanya, pero u can borrow her own statement, “trabaho ito, walang personalan”

Leave a Reply

Your email address will not be published.