Bulacan mayor dinis-qualify sa vote buying

DINISKUWALIPIKA NG Commission on Elections (Comelec) ang isang alkalde sa lalawigan ng Bulacan dahil sa umano’y vote buying sa nakalipas na May 2013 midterm elections.

Sa inilabas na kalatas ni Comelec Commissioner Lucenito Tagle, dinis-qualify ng Comelec 1st Division si Norzagaray Mayor Alfredo Germar.

Kasunod ito ng naging botohan kanina sa resulta na 2-1 sa division level ng Comelec.

Binigyang-diin ni Tagle na maaari pang iapela ni Germar ang desisyon ng Comelec 1st Division sa pamamagitan ng paghahain ng motion for reconsideration sa Comelec en Banc.

(TONY DELA PEÑA)       

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.