Bulacan Blood Center, Tatanggap ng Mahigit P2-M

NILAGDAAN NA nina DOH Regional-3 Director Leonita Gorgolon at nina Bulacan Governor Willy Alvarado at Vice-Governor Daniel Fernando ang  memorandum of agreement para sa operational support ng Bulacan Provincial Blood Center na nagkakahalaga ng P2,893,770 para sa 2013.

Nasa 109 na Bulakenyong blood galloners at 98 na blood partners ang kinilala ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Bulacan Local Blood Council sa Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center kahapon sa Hulyo 30, sa lungsod na ito.

Sinabi ni Alvarado, pangulo ng Bulacan Local Blood Council, ang nasabing pagpaparangal sa mga blood galloner ay isang paraan ng pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang ipinamalas nila sa pamamagitan ng boluntaryong pagbibigay ng dugo upang makatulong sa mga Bulakenyong nangangailangan.

Aniya, “Mahalaga ang pag-dodonate ng dugo, dahil bukod sa nakatutulong ito upang madugtungan ang buhay ay maganda rin ang naidudulot nito sa mismong nagbibigay ng dugo.”

Ayon naman kay Provincial Health Officer Joy Gomez-Esguerra na kabilang sa mga binigyan ng parangal  ang mga indibidwal na nakapagbigay ng siyam o higit pang beses ng dugo, mga local government unit (LGU) o partner agency na mayroong pinakamala-king nakolektang dugo at LGUs na mayroong 100% partisipasyon sa isang mobile blood donation.

“As the Department of Health put an order in stopping all commercial blood banks in selling bloods and secure all bloods used by patients for blood transfusion and survival, the endeavor for a mobile blood donation activities in all LGUs was strengthened to answer the blood needs of government and private hospitals in the province. These collected blood undergoes quality blood processing-testing and screening for an available safe blood,” ani pa ni Gomez.

Naging panauhing pandangal si National Center for Health Facility Development Director Juanito Taleon samantalang nagbigay naman ng response bilang galloner awardee si Ret. Col. Pepito Plamenco.

Batay sa Presidential Proclamation No. 1021, na may petsang Hulyo 9, 1997, ang pagdiriwang ng National Blood Donor’s Month ay naglalayong ipahatid sa publiko ang pangangailangan sa de-kalidad at malinis na dugo; kilalanin ang mga blood donor at palawigin pa ang regular na pagbibigay ng dugo sa komunidad at mga ospital.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.