Bukol ang inabot Bebot, Tumalon Mula sa Condo

LIGTAS NA ang kalagayan ng isang babaeng tumalon mula sa ika-limang palapag ng isang condominium sa Barangay Kaligayahan, Quezon City.

Bukol lang sa ulo ang tinamo ng 22-anyos na nakilalang si Mary Jocelyn Basilio na isinugod ng kanyang mga kaanak sa Commonwealth Hospital and Medical Center.

Ayon sa ama ng babae na si Jony Basilio, may matinding problema at nakararanas ng matinding depresyon ang kanyang anak.

Nakitulog aniya ito sa kaibigang si Danly Martinez sa Smile Citihomes kamakalawa at kahapon ng umaga nga ay tinangka nitong magpatiwakal sa pagtalon mula sa nasabing gusali.

Nabasa naman sa text message ni Mary Jocelyn sa kanyang ate ang paghingi nito ng tawad sa gagawing pagpapakamatay dahil sa depresyon.

Samantala, wasak na-

man ang binagsakang kotse ng babae kaya hindi ito napuruhan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.