Bukod sa ‘lalaki’ sa Enchanted Kingdom, may ‘iba’ pa raw sa Eastwood
Lian Paz, dapat nang magsalita para malinaw ang isyu

NAKAKALOKA NA ang Pasko ngayon, ha! Sunud-sunod na ang mga Christmas party kaya napupuyat na ako, ‘day!

Buti na lang kahit sapilitan win ako sa raffle!

Hindi lang ako nakapunta sa party ng ABS-CBN 2 at TV 5 dahil sa ang daming nakasabayan, pero sabi naman ng mga hitad na reporters, wala naman daw akong na-miss.

Mabuti na lang sa TV 5 na party nu’ng kamakalawa lang, binigay naman ang napanalunan ko sa raffle.

Kaya isang araw muna akong rest sa bahay para makapag-recharge sa mga susunod pa na Christmas party.

Napag-usapan lang kasi nu’ng nagpa-party si Popoy Caritativo para sa mga alaga niya, nalaman na break na raw sina Dennis Trillo at Bianca King.

Pero hindi naman sinagot ito ng aktor at si Bianca naman ay tahimik din.

Wala pa yata silang isang taon, break na agad!

Mas mabuting mag-concentrate daw muna sila sa kanilang career, pero nanatiling friends naman daw sila.

Ang dami yatang nag-break ngayon, ha! Pero mas tahimik sila. ‘Di ba nag-break na rin sina Rocco Nacino at Sheena Halili, pero quite din silang dalawa.

Kaya mas okay yata ‘yung relasyon na tahimik lang para kung mag-break man, tahimik din at hindi na pag-uusapan.

Pero keber ko sa kanila, dahil ako ma-ngungulekta na ako ngayon ng mga ireregalo sa akin dahil tapos na akong mamudmod ng regalo, no!

 

AKO NA ngayon ang kinukulit tungkol sa lumabas na litrato rito sa Pinoy Parazzi na lala-king kasama ni Lian Paz sa Enchanted Kingdom daw.

Naku! Malay ko ba riyan! Hindi naman kami nag-uusap ni Lian at wala talaga akong nalaman kung ano ang pinagkaabalahan niya ngayon.

Kahit kami nga ni Paolo Contis na alaga ko, hindi kami nag-uusap tungkol diyan.

Ang kinukulit ko lang sa kanya ang ireregalo niya sa akin, ‘no!

May nagbalita pang nag-file na raw ng annulment si Paolo. Ang alam ko talaga, hindi totoo ‘yan.

Kung ano man ang plano nilang mag-asawa, mga abogado na lang ang mag-aayos niyan dahil ayaw nang magsalita ni Paolo tungkol diyan.

Si Lian, ewan ko kung magsalita dahil hindi maganda ang mga naglalabasan tungkol sa kanya.

Bukod diyan sa Enchanted Kingdom na ‘yan, meron pang lumabas na nakikita raw siya na laging may kasamang matandang lalaki.

Ang sabi, nasa Eastwood daw madalas ito nakikita kasama ‘yung matandang ‘yun.

Kaya dapat ngang sagutin ‘yan ni Lian para ipagtanggol ang sarili.

Abangan n’yo na lang sa Startalk.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Bukod sa ‘lalaki’ sa Enchanted Kingdom, may ‘iba’ pa raw sa Eastwood
Lian Paz, dapat nang magsalita para malinaw ang isyu

  1. HUWAWWWWW HANGGGKAPAL NG APOG NITO NI LOLIT!!!!! BAKIT DI NALANG YANG ALAGA MONG SI PAOLO KUNTIL ANG ISULAT MO???? DEMOLITION JOB NA BA YAN LOLIT??? SABAGAY MGA KAPUCHONG STARLETS LANG NAMAN YANG 2 YAN YUNG ISA ALAGA MO!!!! KINAKANTOT KA BA NI PAOLO???

  2. Ano ba Lolit, ang yaman mo na, regalo lang  ba ng mga artista na dapat ibigay sa yo ang nasa isip mo?  Why not think of what Ogie Diaz is doing, harbatan mo ang mga artista ng pamasko for a good cause, like yong ginawa ni Ogie sa mga artista, for breast cancer donation.  I will pray Lolit na sana hindi magka cancer sa bituka sa kamalditahan ng ugali mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.