Bukod sa Dengue Iloilo, apektado rin ng Leptos at rat infestation

ILOILO CITY – HINDI pa man natatapos ang kalbaryo ng lungsod ng Iloilo sa laganap na Dengue, apektado na rin ng leptospirosis at rat infestation ang nasabing lungsod.

Batay sa rekord ng Iloilo City Health Office, umaabot na sa 19 ang kaso ng leptospirosis sa lungsod at isa na rito ang patay.

Tiniyak ng Iloilo City Health Office na may naka-handang mga gamot laban sa sakit at ito ay libre para sa mga taga-lungsod.

Kinumpirma ng city agriculture na apektado na rin ang lungsod ng rat infestation na una nang umatake sa ibang bayan sa lalawigan ng Iloilo.

Ayon kay Geraldine Hautea, officer-in-charge ng City Agriculture’s Office, inaalam pa sa ngayon ang lawak ng pamiminsala ng mga pesteng daga.

Nagbigay agad ng tulong ang City Agriculture’s Office sa mga magsasaka na apektado ng rat infestation at ito ay naiparating na rin sa Department of Agriculture Reg. 6.

Samantala, inihayag naman ng Iloilo Provincial Agriculture Office na kontrolado na ang pamiminsala ng mga pesteng daga sa Iloilo, kung saan umaabot sa 31 mga bayan ang sinalanta.

Hindi na nadagdagan pa ang mga bayan na apektado ng rat infestation at hindi rin ito nakaapekto sa produksyon ng palay, kung saan tumaas pa ang produksyon ng mga magsasaka ngayong first cropping, ayon naman kay Iloilo provincial agriculture officer Dr. Eldefonso Toledo.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.