Bukod kina Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez Toni Gonzaga, naging nobya rin ni Zanjoe Marudo?!

INAKALA NG IBA na si Sam Milby ang tinutukoy na naging karelasyon for three months daw ni Toni Gonzaga bago naging sila ni Direk Paul Soriano. Pero ang malakas na bulung-bulungan na nakarating sa amin, ‘di raw si Sam ang totoong naging first boyfriend ng magaling na TV host/actress kundi si Zanjoe Marudo.

Ayon sa mga bali-balita, bago raw naging boyfriend nina Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez ang hunk actor, naging karelasyon daw ni Toni si Zanjoe. Pero ang aktres daw ang nagdesisyon na biglang tapusin ang kanilang relasyon na sobra raw dinamdam ng hunk actor.

Ayon pa sa mga usap-usapan, seryoso at naipakilala na raw ni Zanjoe si Toni sa kanyang pamilya, pero sa ‘di raw malinaw na dahilan ay nauwi sa hiwalayan ang lahat.

Agad naman naming kinuha ang side ni Toni tungkol sa kumakalat na balita at agad din namang binigyang linaw ng TV  host na naging magkaibigan sila ni Zanjoe at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin silang dalawa.

Ayon kay Toni, isa lang ito sa mga issues na pinupukol sa relasyon nila ni Direk Paul. Nagbitaw rin ng salita sa amin si Toni na si Direk Paul lang ang kauna-unahang lalaki na pormal niyang ipinakilala sa kanyang pamilya bilang kanyang boyfriend.

Nasa cloud 9 pa dahil sa tagumpay na tinamo ng concert na Toni@10, kung saan isa lang naman ang TV host/actress ang nakapuno talaga sa Smart Araneta Coliseum sa kabila ng pagtatangka ng iba ring mga nag-concert dito na punuin ang nasabing venue.

Sa tanong namin kung handa na ba siyang magkaroon ito ng repeat, para kay Toni ay kaila-ngang niya munang magpahinga at i-enjoy ang lahat dahil nangarag siya sa sobrang pressure, tension, pagod at puyat sa preparasyon sa kanyang concert.

 

ISA KAMI SA naimbitahang panoorin ang special screening ng Budoy sa Podium nu’ng nakaraang Biyernes at masasabi naming isa na naman ito sa mga bagong serye ng Kapamilya Network na tiyak na aabangan at panonoorin ng publiko.

Namaga ang mga mata namin sa kaiiyak dahil sa mga makadurog-pusong eksena nina Gerald Anderson, Janice de Belen at Zsa-Zsa Padilla. Lutang na lutang din ang husay ng mga betaranong mga aktor at aktres na kasama nila tulad nina Ms. Barbara Perez, Tirso Cruz III, Dante Rivero, Gloria Sevilla, Mylene Dizon at iba pa.

Masasabi naming ito ang pinakamalaking proyekto na ipinagkatiwala ng ABS kay Gerald dahil talagang para sa kanya ang nasabing serye at binigyan siya ng mga mahuhusay talagang mga kasama. Kung ang dating kapareha na si Kim Chiu ay napatunayan ang kakayahang mag-solo sa My Binondo Girl, masasabi naming sa Budoy ay lalong lulutang ang galing ni Gerald bilang isang mahusay na dramatic actor.

Sa nasabing special screening din, nakausap namin si Tirso na gumaganap bilang ama ni Gerald at asawa ni Zsa-Zsa Padilla sa istorya. Agad naming hiningan ng reaksyon ang beteranong aktor sa naging pahayag daw ni Christopher de Leon na ayaw niyang magkasama-sama sila ngayon ni Ms. Nora Aunor sa isang proyekto.

Ipinaliwanag naman sa amin ni Tirso na pare-pareho na silang may kani-kaniyang buhay tatlo, kaya dapat ay ‘wag na silang intrigahin. Naniniwala siya na baka naghihintay lang ng tamang proyekto si Boyet at tulad niyang isang propesyonal na actor, ‘di siya nagsasara ng pinto na maa-aring magkatrabaho sila uli ng Superstar.

Medyo malabo nga lang nga-yon dahil nakatali siya sa Budoy at nasa TV5 naman ang aktres, pero kung isa itong pelikula kung saan pareho namang ‘di sakop ng mga networks kung saan sila nakatali ngayon, hintayin na lang natin ang tamang proyekto kina Tirso at Ate Guy.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

14 thoughts on “Bukod kina Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez Toni Gonzaga, naging nobya rin ni Zanjoe Marudo?!

  1. @mylene, ikaw ba iyong klaseng pati pambili ng bigas, ginagamit mo sa pambili ng glutathione ? Si Venus Raj na kayumangging kayumanggi at sa tingin ng maraming pilipino ay hindi kagandahan, nanalo ng fourth sa Miss Universe. Donald Trump even commented that she has the personality of a regal person ang walks like a ROYALTY. Mylene, do you know who Donald Trump is and do you know what regal and royalty means ? Hindi nadadala sa hitsura ito. Kaya siguro malakas ang dating ni Bianca at Toni. Great personality. Malalaman mo ang kaibhan nila ni Mariel na astang class raw pero ugaling palengke. Mapanginsulto. So Mylene, do your research on what I asked you. OK ! Get yourself educated, maski man lang sa wastong pagbabasa. Read, read , read at ihasa ang mga brains na iyan.

  2. @ngDyn, the word duling came from Mariel. Like they said. You reap what you sow. Mariel was left with ZERO FRIENDS from the channel 2 network because she burned her bridges. Marami siyang ininsulto na ngayon, hindi pa siya pinatawad. She has no choice but to move to TV5. Pati dos, ayaw siyang bigyan ng projects. So to you bashers who attak on the physical handicap of others, siguro, marami kayong kapintasan at naghahanap lang kayo ng karamay. This is also a sign of your ignorance. Did your parents teach you some manners ? Obviously NOT. Pity on you. Kawawa naman kayo.

  3. Wala naman sigurong masama kung maitim man ang isang artista o tao for that matter..hindi lang naman nakukuha sa kulay ng balat ang husay ng isang artista o ordinaryong tao. Medyo di maganda ang comment ni Mylene..di ako avid follower nina Mariel, Toni or Bianca pero i dont think na panget sila, o mukhang chimay.lets just be fair in our comments.

  4. Toni has this great sex appeal. Ang daming nagkagusto sa kanyang mga guwapo at mestiso. Crush ng bayan. Say what you all want. Bakit parang ang lakas ng appeal niya sa mga boys ? Nakakainggit, hindi ba ?

  5. Si Toni na duling- ling, ay dating gf ni Sam Milby until dumating si D. Paul. nag deny si Toni but Sam Milby confirmed it. Yabang na yabang ako sa duling-ling na ito. kala mo kung sino.

  6. ———– walang kasalanan si zanjoe dito noh….yang tatlo kaseng yan maryel, byanca at tony ay malalandi at nasa loob ang mga kulo in short PLASTIKADA…..kunwari pa virgin effect pero ang totoo makakati sila…eh ang papanget kase at ang iitim hindi mga mukhang artista….san ba nanggaling ang mga yan basta nlng sumulpot sa ABS CBN..yuck!! mga mukhang chimay ni big brother..iwww :))

  7. Toni gonzaga?!! May K pabang mamili??? Duling ling nman! Kung mukhang kargador c zanjoe bkit nagka gs2 si bea alonzo sknya!? Naku nman compare da fes of bea to toni duling??!!

  8. Si Sam Milby ang na link kay Toni dati hindi naman si Zanjoe. Kay Bianca at Mariel lang na link si Zanjoe. At  saka di type ni Toni si Zanjoe dahil hindi naman tisoy at di marunong mag English. Type ni Toni Fil-Am like Sam & Direk Paul. Di naman guwapo si Zanjoe , mukhang kargdor lang. 

  9. Walang katotohanan ang baitang ito. Minsan, tinanong si Zanjoe kung sakaling free sila ni Toni, liligawan ba niya? Ang sagot ni Zanjoe, medyo siguro hindi dahil “NAKAKAINTIMIDATE” daw si Toni. So, there you go, walang balak si Zanjoe na ligawan si Toni.

Leave a Reply

Your email address will not be published.