Bukod kay KC Concepcion at Garrie Concepcion Isa pang dalaga ni Gabby Concepcion, join na rin sa showbiz!


DUMATING PALA nu’ng Huwebes o Biyernes lang ang anak ni Gabby Concepcion sa ex-girlfriend nitong si Jenny Syquia na si Chloe mula sa Sweden.

Gaya ng panganay ni Gabby kay Sharon Cuneta na si KC na artista na rin ngayon tulad nila at ng anak n’yang si Garrie, na anak naman n’ya sa isa pang dating dyowa n’ya na si Grace Ibuna, na magiging recording artist na, papasukin na rin daw ni Chloe ang mundo ng showbiz.

Backroom ang nangangalaga sa career ni Garrie, habang si KC ay si Boss Vic del Rosario ng Viva, like her Mega mom. Kaya si Chloe naman daw ay ima-manage ng anak ni Boss Vic na si Veronique del Rosario-Corpus.

Balita namin, gusto raw makasama ni KC si Chloe para makapag-bonding silang mag-half sister para siguro magkakilala

sila nang husto at maging mas maganda ang relasyon nila bilang magkapatid, kahit sa ama lang, gaya nila ni Garrie ngayon.

So, ‘di malabong magsama ang tatlong magkakapatid para makapag-bonding at eventually, magkasama sa isang proyekto o kahit sa isang glossy magazine pictorial o feature muna.

Malamang, magiging masaya si Gabby oras na magkita-kita at magkasundo ang tatlong mga anak n’yang dalaga.

Ano naman kaya ang masa-sabi ng Megastar sa balitang ‘to?

 

ABA, MUKHANG may balak na yatang bumili ng helicopter si Joel Cruz dahil ang tsika ng aming source ay may helipad daw ang isa pang three-storey house na ipinagawa n’ya na extension ng nauna n’yang rest house sa isang gated community sa Lemery, Batangas.

Nabili kasi ng Aficionado honcho ang malaking lupa na ka-tabi ng kanyang bahay bakasyunan.

Si Joel na nga yata ang susunod na businessman-turned-celebrity na magkakaroon ng sasakyang panghipapawid bukod kay Willie Revillame.

Balita pa namin ay may falls daw sa gitna sa loob ng bagong bahay mula sa third floor at isang scenic elevator na kita ang magandang view ng Taal volcano na ipinagawa ng Lord of Scents para sa kanyang pinakamamahal na ina.

Lima raw ang kuwarto sa second floor, may sariling gym, bar at theater room sa third floor kung saan nando’n ang kanyang bonggang bedroom.

On the business side, si Vice Ganda ang ilo-launch n’yang pinakabagong endorser nga-yong 2012 ‘pag nagkaayos sila ng bagong manager ng komedyante na si Deo Endrinal.
Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

5 thoughts on “Bukod kay KC Concepcion at Garrie Concepcion Isa pang dalaga ni Gabby Concepcion, join na rin sa showbiz!

  1. mukha ngang mas maganda kay KC ..kasi kayumanggi sya..o baka mukha lang siyang morena sa photo..malalaman na lang natin pag nakaayos..eh lahat na ata ng artista sa pilipinas puro mapuputi..dahil siguro trend ngayon..wala talaga akong makita na morena’t maganda gaya nina Tetchie Agbayani n Nora Aunor..( yes, i’m not a Noranian but she is beautiful kahit na morena siya..ung ibang artista mukha lang maganda dahil sa sobrang make-up at nag-ta-take ng whitening pills..

  2. hindi lang maganda ang picture na ginamit, pero itong si Chloie ang pinaka-maganda sa mga anak na babae ni Gabby.

Leave a Reply

Your email address will not be published.