BUKING NA, ITINATANGGI PA?!

BLIND ITEM: NAKAKATAWA talaga ang kampo ng bansutin at di-kaguwapuhang young actor na ito. Ipinagmalaki pa ng kampo nito na wala raw katotohanan na ipinatsugi nito sa isang regional show at isang afternoon soap ang kapwa niya young actor.

Ang tsika raw ng kampo ng insekyuradong young actor, kapag nandoon ‘yung isang young actor ay sila ang aalis at hindi sasama sa show. Na walang pinagkaiba sa salitang tanggalin n’yo siya o ako ang aalis, ‘di ba?

Hindi kaya inisip ng kampo nito na walang pinagkaiba sa gusto nilang ipatanggal ang young actor sa gusto nilang mangyari? Baligtarin man, ‘yun pa rin naman ang suma-total: ang matsugi sa show ang kapwa niya young actor nito!

(John Fontanilla)

loading...

3 thoughts on “BUKING NA, ITINATANGGI PA?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.