Bukid ng Dalagita, Inararo ng Magsasaka

NANANATILI SA kustodiya ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) sa Lucban, Quezon province ang isang 13-anyos na dalagita matapos halayin ng isang magsasaka.

Base sa report ng mga awtoridad, pinagsamantalahan umano ng salarin na nakilala sa pangalang Teodoro ang biktima sa isang kubo noong Marso 4.

Galing umano ng eskuwelahan ang biktima nang abangan ng suspek at inilayo para gawin ang panggagahasa.

Ilang ulit umanong sinubukan ng dalagita na isumbong ang nangyari subalit kahapon lamang ito naglakas-loob na magkuwento nang madiskubre na ng kanyang guro.

Samantala, sinampahan na ng kasong Rape si Teodoro na tumakas matapos gawin ang krimen.

Kasalukuyang nagpa-patuloy ang paghahanap ng PNP Lucban sa mga lugar na posibleng pinagtataguan ng salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.