Bukas-Kotse Gang Member, Huli sa Bitag

ARESTADO SA isang entrapment operation ang itinuturong isa sa mga miyembro ng bukas- kotse gang sa Davao City.

Ayon kay P/Supt Dionesio Cutin Abede ng Talomo Police, ang nahuling suspek ay isang Triztan Ocampo Sumaong, 40, residente ng Mabuhay sa lungsod.

Nabawi mula sa salarin ang apat na camera na gamit ng mga professional photographers.

Natunton ang suspek matapos puntahan ang mga photography studio sa lungsod at ipinagbibili ang apat na bagong camera sa halagang P300,000.

Kaagad na tumawag ang isang negosyante sa mga kasamahan nito sa nasabing lalawigan para sa pagkakakilanlan ng naturang salarin.

Doon na kumilos ang Talomo Police at isinagawa ang buy-bust operation sa isang hotel.

Kinumpirma rin ng mga kinauukulan ang marked money na ginamit sa operasyon.

Samantala, agad na dinala pabalik ng Davao City ang suspek para matukoy ang iba pa nitong kasamahan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.