Building sa Ermita, Nasunog; 2 Sugatan

ISANG TWO-STOREY commercial building sa M.H. Del Pilar Street malapit sa Padre Faura St., Ermita, Maynila ang nasunog bandang alas-8:30 ng umaga kahapon.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago idineklarang under control pasado alas-9:00 ng umaga.

Dalawa naman ang naitalang sugatan sa naturang sunog, kabilang ang bumberong si Gerry Dela Cruz na nahiwa sa kaliwang kamay at isang reporter na natalsikan naman ng bubog sa ulo.

Samantala, agad namang nalapatan ng paunang lunas ang mga nasugatan sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.