Building sa Eastwood, Binulabog ng Bomb Threat

NAANTALA ANG trabaho sa 1800 Building sa Eastwood, Libis, Quezon City matapos bulabugin ng bomb threat.

Sinabi ni Inspector Noel Sublay, hepe ng Quezon City Police District-Explosives and Ordinance Division (QCPD-EOD) na itinawag sa kanila ang bomb threat matapos tatlong beses na upuan ng aso ang isang kahina-hinalang bag sa gusali.

Nagroronda ang mga gwardya dakong alas-8:00 kahapon ng umaga nang ikutan ng K-9 saka upuan ang itim na backpack.

Agad na rumesponde ang EOD at kinordan ang ikawalong palapag ng gusali kung saan naroon ang bag.

Pansamantala ring pinababa ang mga empleyado at hindi nagpapasok sa loob ng gusali.

Pero matapos buksan ang bag, mga personal na gamit tulad ng pulbos at alcohol lamang ang natagpuan ng mga kinauukulan.

Nais naman ni Sublay na isailalim sa mas masu-sing pagsasanay ang K-9 unit ng security agency ng gusali, dahil sa umano’y maling pang-amoy nito.

Samantala, isang Anthony Serenio naman ang umangkin sa bag. Empleyado siya ng IBM Eastwood.

Sinabi nitong iniwan lang niya ang bag para magpunta sa comfort room.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.