Buhay-Pag-ibig ng Mag-amang celebrity, Magkasalungat ang Kinahinatnan!

BLIND ITEM: KUNG ang buong pamilya ng sikat na aktor na ito, e, super happy sa nangyayari sa kanyang buhay-pag-ibig, e, hindi ang kanyang anak.

Bakit?

Dahil kung alam daw talaga ng sikat na aktor ang depinisyon ng salitang pag-ibig in its truest sense, ‘di sana, e, hindi malungkot ang lovelife ng taong ito na malapit sa aktor.

Mukhang masaya lang daw ang personalidad na tinutukoy namin kapag napag-uusapan ang “kalokohan” (‘yan ang tawag niya sa pag-ibig ng aktor sa babaeng kanyang pinakasalan) ng sikat na aktor pero deep inside, e, super sad ito dahil sa kinahinat-nan ng kanyang lovelife dahil sa pangingi-alam ng kanyang ama.

As of present time daw kasi, e, extreme ang kinahinatnan ng buhay-pag-ibig ng mag-ama. Kung sobrang makulay ngayon ang lovelife ng sikat na aktor, e, kulay gray at blue naman ang sa kanyang anak.

At dahil du’n, sa babaeng pinakasalan ng kanyang ama sa lahat ng simbahan napo-focus ang lahat ng sama ng loob ng kanyang anak.

Hindi na kami magbibigay ng clue kasi lagi naman silang naibabalita… getz?

LITERAL NA NAGHALO ang emosyon ni Pokwang sa final presscon ng kanyang first major concert, “Endangered Species”, slated  on October 15 until October 17 at the Aliw Theater.

Umiyak, sumeryoso at humalakhak si Powkey sa kanyang kinauupuan habang ginisa siya ng ilang mga kasamahan sa panulat tungkol sa mga nangyayari ngayon sa kanyang career at sa kanyang personal na buhay.

Parang may automatic button na pagkatapos humalakhak ay biglang umiyak si Powkey nang napag-usapan ang pamamaalam ni Kris Aquino sa Pilipinas Win na Win.

Gaya ng ibang mga personalidad kapag napag-uusapan ang pamamaalam, very standard ang dialogue ni Powkey.

“Sigurado kasing mami-miss ko ang pagka-hyper ni Ms. Kris kapag nagkikita kami every morning pero ngayon pa lang, e, inaayos na namin kung tuwing kailaan kami puwedeng magkita for bonding,” dahilan pa ng komedyante sa kanyang pagluha.

Sana lang, ‘wag agad magpaalam ang apat na personalidad na papalit kay Kris sa PWNW para hindi ulit lumuha si Powkey.

Sumeryoso naman ang komedyana nang nabanggit ang mga manunulat na patuloy na tumitira sa kanya lalo na ang pangalan ni Tita Cristy Fermin.

“Kung sakaling magkita-kita kami ng mga tumitira sa akin, e, okray din ang reaksiyon ko kung o-okrayin nila ako. Pero kung makikipagbati sila, e,makikipagbati rin ako.

“Ang reaksiyon ko, e, dedepende sa gagawin nila sa akin,” ang walang kangiti-ngiting pahayag ni Pokwang.

Sobrang humalakhak naman ang hitad nang nabanggit na makaka-duet niya sina Regine Velasquez, Kuh Ledesma, Piolo Pascual at Zsazsa Padilla sa kanyang malaking concert.

“Wala bang Lady Gaga sa line-up?” pagpapatawa pa ni Powkey.

Anyway, ganu’n kabilis kung magpalit ng emosyon si Powkey and wish lang namin, maging ganu’n din kabilis ang bentahan ng tiket para sa kanyang concert para hindi madala ang mega producer na si Joed Serrano at ang kanyang ka-pertner na si Madam Cora ng Camera Entertainment Production.

KUWENTO LANG NAMIN. May isang kasamahan sa industriya na medyo minalas ang buhay kaya hindi siya nakapag-ipon at hindi nagkaroon ng maraming raket sa showbiz kaya hayun, nang nagkasakit ang anak nang malubha, e, wala siyang perang pambayad sa ospital.

Mabuti na lang, may isang kasamahan din sa showbiz ang sinuwerte na tumulong sa pangangailangan ng kanyang anak kaya sa ngayon, walang tigil ang kanyang pagpapasalamat ay Joed Serrano.

May your tribe increase, kapatid.

For reaction, please e-mail mediaouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

10 thoughts on “Buhay-Pag-ibig ng Mag-amang celebrity, Magkasalungat ang Kinahinatnan!

  1. yup sa mga few episodes patok ang show ni willie…but it will wane eventually…karma….

    mananaig n namn ang tunay niyang ugali..mayabang..mainitin ang ulo…takleso….

  2. I just watched for the first time today sa internet the show of Amy Perez ba yon sa TV5 yong “Face to Face”. Pang masa, kaya pala high rating. Yong format ng show nila is like the Jerry Springer show in the U.S.. This show is the twin version of the Jerry Springer show in the U.S. I think Amy is a good host.

  3. POKEY, O NGAYON ALAM MO NA, NA SUMIKAT KA LANG DAHIL HAY WILLIE…. NUNG NAWALA SI WILLIE NATIMBOG KA RIN…. KAHIT PA SI KRIS PUTAK NG PUTAK ANG KASAMA MO. UMUBRA BA YUNG TEAMWORK NYO…. LOSERS…ANG YAYABANG NYU KASI. POKEY, UMPISAHAN MO NA ANG NOVENA MO, MUKANG MALAPIT NA MATEPOK ANG KAREER MO.

    • Yes I have a feeling too na pag labas ng Willing Willie, papatok yon kasi ang mga prices malalaki raw, ang mga tao doon pupunta sa malaking pera dahil sa kahirapan ng Pinas ngayon. At tsaka generous si Willie sa kanyang show, he gives money to contestants and audience when they call him guapo. Walang ibang hosts na gumawa ng ganyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.