Buhay na buhay ang komiks sa TV at pelikula

Kamakailan lang ay nag-ayos ako ng aking mga lumang gamit and I found an old, tattered but interesting komiks. Kung tutuusin, maituturing na itong isang collector’s item dahil wala ka nang makikitang ibinebentang komiks sa mga newspaper stands ngayon.

Seeing this old komiks, naalala ko tuloy iyong mga ipinarerentang mga komiks sa sari-sari store ni Aling Maring sa aming bayan sa Borongan, Eastern Samar. Araw-araw kasi ay laging puno ang dalawang mahahabang bangko sa harapan ng tindahan dahil bata man o matanda, babae man o lalaki ay nagbabasa ng komiks. Hindi mo sila maistorbo at makikita mo sa kanilang mukha ang sari-saring emosyon ng bawat karakter sa kanilang binabasang komiks.

Mapa-drama, action, fantasy, love story at horror na komiks ay tiyak na matatagpuan sa tindahan ni Aling Maring. If you want drama, there were Pilipino Komiks at Tagalog Klasiks; kung gusto mong kiligin at ma-in-love, nand’yan ang Lovelife at Beloved; if you want to be horrified, puwede mong basahin ang True Horror, True Ghost, Shocker, Halimaw at Hiwaga Komiks. Kung hindi ka na makapaghihintay pa sa mga susunod na pangyayari, the store had Wakasan Komiks. Sa konting barya lang, ang bawat pahina at bawat kabanata ay naghahatid ng saya sa mga taong pagod at gustong magpalipas-oras.

Our own komiks history is ripe with rich and interesting stories that range from the humorous to earth-shaking. During olden days, we looked forward to the next issue, kung ano ang kahihinatnan ng love story nina Dyesebel at Fredo, kung ano ang kagila-gilalas na adventures nina Flash Bomba, Tiny Tony, Kapitan Boom at Dragonna.

One of the milestones in the komiks history was the character of Roberta who was an instant hit among the readers. Child star Tessie Agana became a household name when the komiks novel was filmed by Sampaguita Pictures. Pumatok nang husto ang Roberta sa takilya and Sampaguita Pictures was able to rebuild its studios which were damaged by a huge fire several months back.

Nawala man sa sirkulasyon ang komiks ay nandyan pa rin ang mga minahal nating karakter at sila ay nananatiling buhay sa ating alaala. Sino ang makalilimot kina Darna, Dyesebel, Captain Barbell, Lastikman, Bondying, Varga, Maruja, Mariposa, Roberta, Flash Bomba, Tiny Tony, Kapitan Boom at Dragonna na magpahanggang ngayon ang ilan sa kanila ay sinusundan pa rin natin ang mga adventures sa telebisyon at pelikula?

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

15 thoughts on “Buhay na buhay ang komiks sa TV at pelikula

  1. Ang baba na nang ratings nang SNN at Entertainment Live. Ipinag duduldulan kasi ni Boy Abunda na i-feature ang dalawang laos na si Robin at Mariel.

    • correct, and the thing wrong about it is because Mariel is Boy’s talent so when she was interviewed, she was given the easy way out, hindi man lang nag follow up ng hard questions to be fair sa ibang mga artista na ini interview kong mayroong same situation na naganap sa iba ring mga artista. I think if you are a reporter, you should do your job without preferences, you should be fair in your reports and work.

  2. ABUNDA, SINAYANG MO ANG ORAS NG THE BUZZ AT SNN DAHIL SA DAMAGE CONTROL NA GINAWA MO. SI ROBIN AT MARIEL, HOPELESS CASE NA. HUGAS KAMAY LANG ANG GINAWA NINYO NI MARIEL SA INTERVIEW. CROCODILE TEARS ANG LUMABAS. WALA NAMANG NILINAW.

    • You should go to the blog of Jojo Gabinete in Cabinet Files, just search it in Google “Jojo Gabinete – Cabinet Files”. You will read the news of Jojo that there was never a record of their marriage in India, I guess they made a phone call to the Indian Embassy and they were told that it is not allowed to marry in Taj Mahal. I don’t know if this is true but i just read Jojo gabinete’s blog. Go read it and it’s there. I just read it today.

  3. hindi naman yan about kay marian mga bobo kayo! about yan sa komiks tangenge basahin mabuit wala naman about marian dyan picture lang

  4. magkano binayad sau boy abunda at maganda ngayon ang cnasbi mo about marian….mga uto-uto!hahaha Looooosssseeeeerrrrrrrr

    • tanga ka ba?!oo nung una sinabi ni boy abunda na ayaw nya kay Marian pero makalipas ang isang taon sinabi nya na mabait si marian at TOTOONG TAO DAHIL HINDI SYA PLASTIK!!

    • Naghahanap siguro nang ibang talent dahil palpak ang talent niyang si Mariel. Mariel raw, ka-level na ni Keanna Reeves.

Leave a Reply

Your email address will not be published.