Buhawi sa Oklahoma: Walang Nadamay na Pinoy – DFA

NAKATUTOK PA rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyon sa tumamang buhawi sa Oklahoma City kung saan pumalo na sa 51 ang namatay.

Sinabi ni DFA spokesperson Asec. Raul Hernandez na sa report na natanggap nila mula sa konsulada ng bansa sa Chicago na sumasakop sa Oklahoma, wala pang natatanggap na report na may Pilipino na nasaktan sa nabanggit na insidente.

Patuloy naman aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan lalo na ng konsulada sa mga Filipino community doon.

Samantala, tinatayang higit 4,000 Pinoy ang nani-nirahan sa nasabing lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.