Bugoy Drilon, nakatitiyak na hindi siya bading!

ONLY BOY SI Bugoy Drilon sa limang magkakapatid. Dahil dito, na-acquire niya marahil ang malambot na kilos ng kanyang sisters, kung kaya’t lumaki siyang mahinhin at hindi bruskong tulad ng mga lalaki.

“Ang dami nga po riyang malalaki pa ang muscles at machong-macho kung kumilos, pero pusong babae pala,” natawang sabi ng pinakasikat na produkto ng Pinoy Dream Academy. “Ako, nakatitiyak sa gender ko. Kahit marami ang nagdududa na bakla ako, napatutunayan ko namang mali sila. Kahit ang mga classmates ko noong elementary pa lang ako sa Bicol, alam na hindi ako bakla. Pero, kung bakla ako, aaminin ko naman. Kaso nga po, hindi.

“‘Yung niligawan ko noong high school na ako, alam niya rin ang tunay na ako. Alangan namang magpaligaw siya sa bakla. Hindi ko lang siya naging syota, dahil may boyfriend na pala siya noon. Nag-best friend na lang kami. Kahit ngayon, sinusuportahan pa niya ako at nagte-text-an pa rin kami. Alam niya rin na nitong napasok ako sa PDA, nagkagusto naman ako sa housemate kong si Liezl. Kaya lang, tulad ko, marami pa kaming pangarap na umasenso ang buhay kaysa unahin ang pakikipagrelasyon. Totoo naman pong bata pa ako, dahil kabe-beinte anyos ko pa lang po.”

Dinibdib din ni Bugoy ang payo ni Liezl, kung kaya’t naging isang big hit ang first album niya sa ilalim ng Star Records. Hindi lang ilang beses nag-top sa music chart ang Paano Na Kaya? single niya, kundi naging title pa ng pelikula nina Kim Chiu at Gerald Anderson na naging blockbuster sa takilya kailan lang.

Kataka-taka ba kung sundan ito agad ng isa pang album? Mismong ang batikang composer na si Vehnee Saturno pa ang nag-produce ng kanyang album. Kasama rito ang mga awiting: “Hindi na Bale,”“Dahil Tanging Ikaw,” “Lumayo Ka Man Sa Akin,” “Pagka’t Mahal Kita,” at ang “Paano na Kaya?”

Ang carrier single ng 2nd album niya ay napakikinggan na rin lagi sa iba’t ibang radio stations nationwide at ginagamit na rin uli bilang sub-theme song ng Tanging Yaman teleserye nina Erich Gonzales, Enchong Dee at Ejay Falcon.

Kararating lang din ni Bugoy mula sa Japan, kung saan nakasama niya sa isang concert ang heartthrob na si Sam Milby. Narating na rin niya ang Dubai, Hong Kong, U.S.A. at New York.

Sa lahat ng kanyang awit, ang “Pagka’t Mahal Kita” ang gusto niyang ialay kay Liezl.

“Babalikan ko siya isang araw,” pangako ni Bugoy sa sarili. “Kapag nakaipon na ako ng sapat at wala pa siyang commitment sa iba, susubok uli ako na ligawan siya,” aniya.

Inalok na rin nga pala si Bugoy na magpatangos ng ilong. Para raw gumanda siyang lalake at lumaki ang tsansa na lalong sumikat pa.

“Hindi po ako pumayag. Kasi, suwerte na po sa akin itong hitsura ko. Baka mawala po ang suwerte sakaling mag-ambisyon pa ako ng higit kaysa sa hitsura ko. Tama na po ito sa akin. Kuminis na rin po ang magaspang kong kutis at nakapagdadamit na ako nang maayus-ayos dahil sa pagkakapanalo ko sa PDA,” patuloy niya.

“May nang-iintriga nga po na nalampasan ko na raw ang kasikatan ng big winner na si Laarni Lozada, pero hindi ko pinapansin. Mas masuwerte po siya dahil may sarili na siyang bahay rito sa Metro Manila. May P1M cash din po siya. Pero, ‘yung napanaluhan kong half a million pesos ay malaking kayamanan na para sa akin. Ang laki po ng naitulong noon para maipagawa ko ang maliit naming bahay sa Ocampo (malapit sa Iriga at Naga sa Bicol).

“At nakabili na po ako ng kotse,” masayang-masaya niyang balita. “Para po akong isang bata na hindi makapaniwala. Akalain mo, dati, ang kalabaw ko lang na si Goofy ang sinasakyan ko noon. Ngayon brand new na black Ford na at may driver pa. Grabe. Kapag nagsipag-sipag ako, baka higit pa roon ang mabili ko.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

13 thoughts on “Bugoy Drilon, nakatitiyak na hindi siya bading!

  1. Alm nyo meron tlganf mga lalake na mahinhin Kung kumilos peri it doesn’t mean na bakla cla, my mga lalakeng gusto lgi malinis hitsura Nila o paligid Nila Kya kelangan irespeto ntin yun. Di nman nyo napapatunayan n bkla cla wlng ividence so ano tinatalak nyo? Sana hnggat Hindi napapatunayn ang isng bgay wag kyong mgjudge mhirap yin bka kainin nyo ang srili nyong laway.
    You know wat bugoy, weather u r gay or something I just wanna tell you daf I am very very happy sa lht ng narating mo. Wag mong pnsinin lht ng paninira sau kc inggit LNG cla kc gya mo n isng mhirap at umasenso sa buhay. Gnito tlga ang mga pilipino inggitero at inggitera. So, keep up the good work, specially for your family.

    • oo naman rachel, ano naman ang problema ng iba. kaya lang naman ay magaling umamoy ang mga baklitang reporter kung ano ang gender ng kinikilatis nila.

      kay bugoy talent ang importatne so kung bading ka o lalake ka wala kaming pakialam, si ogie nga di ba may anank at asawa?

      kung bading ka nga mas maganda nang malaman ng lahat kesa yung magtatago ka sa dilim at nagtitili sa walang nakakarinig.

  2. Dios mio bugoy. ako na ang magsasabi sa iyo. ikaw ay isang bading at hindi mo dapat ikahiya iyon. kahilera mo c Eric Santos na hindi rin daw bading pero lahat ng tao alam na bading siya. hay naku. bading kayo no, please lang.

  3. oh sya sya…kung ayaw aminin na bading sya hwag nyo pilitin…sabagay ngayon lang ako nakakita na na bayot na star daw na di umaamin sabagay sino nga ba to?…1 kanta lang sumikat 6 na buwan lang tinagal eh may kahambugan na..sige bayot….di ka bakla babae ka na nasa loob ng isang lalaking mukhang maton…AMBOT

  4. Women for children, goats for necessity, and boys for pleasure.

    –Arab Proverb

  5. Nirerespeto kita Bugoy kahit na ang sinasabi mong orientation mo ay salungat (ng bonggang bongga) sa mga ikinikilos mo. Ang akin lamang, minsan, ang mga taos a paligid mo ang makakpagsabi kung ikaw nga ay ANO. Iba ang pagiging mahinhin sa pagiging mapilantik. Also the manner of your voice tone. Laht yun binebenta ka bilang isang bading. So wag mong ikahiya…Kasi..ayaw ng fans ng ipokrito.

    • tama.. lumang tugtugin na yang sinasabi nyang lumaki sa piling ng mga babae. ano sya nasa harem.

      kung may talent ka go. maraming bading na ayaw pabuking pero iba ang sinasabi ng kanilang body language.

Leave a Reply

Your email address will not be published.