Bugoy Drilon, lalaking-lalaki na!

MAS NATUWA KAMI kaysa natawa sa litratong ipinadala sa amin, kung saan nakipaglaplapan itong si Bugoy Drilon sa kapwa niya Pinoy Dream Academy scholar na si Liezel. Matagal na kasing kinukuwestiyon ang pagkalalaki ni Bugoy, during his PDA days pa, hanggang sa sumikat ang una niyang kantang Pa’no Na Kaya? Ilang beses na rin namang sinabi ng singer sa mga interviews na ganu’n lang talaga siyang kumilos, pero hindi ibig sabihin niyon na may kuwestiyon sa pagkalalaki niya.

Matagal nang nililigawan ni Bugoy si Liezel, pero mas gusto ng huli na mag-pokus muna silang dalawa sa kani-kaniyang career. Sa mga litrato ngang nakuha namin, lalaking-lalaki nga si Bugoy sa mga eksenang ito na kuha noong January 9, sa mismong birthday niya.

Ginanap ang 21st birthday celebration ni Bugoy sa East Raya Clubhouse sa Pasig City at dinaluhan ng kanyang pamilya, malalapit na kaibigan at mga taga-suporta. Kabilang sa mga dumalo sa party ang iba pang PDA Season 2 scholars na sina Sen Nichols, Cris Pastor, Miguel Mendoza, Bunny Malunda, Chivas Malunda, Sheng, at si Liezel nga nagbigay ng kanyang ‘gift’ na kiss sa birthday boy. Nakisaya rin sa kaarawan ni Bugoy sina Ara Mina, at sina Alakim at Velasco Brothers ng Pilipinas Got Talent.

BLIND ITEM: WALA palang pinag-iba ang ‘di kagandahan ng hitsura ng gay comedian na ito sa kanyang pag-uugali.

Ayon kasi sa aming source, nito lang nakaraang pista sa isang probinsiya sa south, pinaasa lang ni gay comedian ang may-ari ng isang comedy bar doon. Ang siste, kinuha raw ang serbisyo nitong si gay comedian na mag-perform sa comedy bar na iyon, komo’t kapistahan at ‘big night’ nga raw. Special guest pa ng nagmamagandang gay comedian ang isang batang komedyante na nakilala sa pagsigaw ng ‘lili-lili’.

Heto na, noon daw mismong gabi ng show, bigla na lang may-I-back out ang bakla! Nag-inarte na itong ‘di na type na mag-show, kahit pa nga nakatango na ito. Kaloka! Hindi na nga ka-honor-honor ang fez… ‘di pa rin pala nito alam ang salitang palabra de honor!

Wala namang nagawa ang may-ari ng bar, kundi gawing ‘main event’ na lang ang special guest lang sanang ‘foreign object comedian’ na sa totoo lang, hindi pa nagsasalita ay nakaaaliw na ang hitsura at hindi nakakasulasok, ha?

Ang mas nakakaloka, ang dahilan ng baklang komedyante kumbakit tumanggi na itong mag-show sa comedy bar: wiz niya raw type ang hotel kung saan siya pinag-i-stay. Pangit daw! Naku naman… ang mga lamang-dagat talaga, nakatuntong sa lupa… ‘yun na!

Danny’s Law

by Danilo Jaime Flores

loading...

3 thoughts on “Bugoy Drilon, lalaking-lalaki na!

  1. hello!hindi naman totoo to, duh???? e ilang milyong metro man ang layo natin kay bugoy amoy n amoy ang malansang amoy nyan…hehehehe….puleezzzzz….. magsulat nmn kayo ng makatotohan at makabuluhan n balita….wlang kwenta ang site n ito….so im gonna unsubscribe now!!!!!this place is shiteeeeeeee

Leave a Reply

Your email address will not be published.