BUGOY CARINO, PINAIIWAS SA “BUNTISAN ISSUE”

Bugoy Carino

HABANG pinagpipistahan ang admittance in public ni Jon Lucas tungkol sa non-showbiz girlfriend niya na ina ngayon ng kanilang bouncy baby boy, si Bugoy Carino naman ay deadma lang.

Magkasabay kasi sina Jon at si Bugoy na na-suspend indefinitely ng Star Magic dahil sa buntisan issue.

Sa isang pa-concert sa Music Museum last week, naispatan ang “bagets (he is only 15 pa lang yata) ng mga reporters na naimbitahan para manood ng show.

Kaso, bago makalapit ang mga entertainment writers na gusto makausap ang binatilyo ay naharang na sila ng “manager” nito.

Habang si Jon ay openly na umamin na may anak siya, si Bugoy naman ay todo iniiwas ng manager niya para sagutin ang isyu para matapos na.

Sa edad na 15 years old ay small but “sharp-shooter” ang bubuwit na hinangaan sa pagiging cute niya at matinik sa dance floor.

Sa kaso ng babae na  na-preggy ni Bugoy na very much older sa kanya, pwede kaya ma-demanda ito ng cradle snatching ( corruption of minor or whatever), lalo pa’t  nasira na ang diskarte ng teenager sa showbiz?

            

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

One thought on “BUGOY CARINO, PINAIIWAS SA “BUNTISAN ISSUE”

  1. Di pwede kasi aminin ni Bugoy tulad na ginawa ni John kasi minor pa sya. Siguro pag 18 na sya yun nga lang malaki na yung anak nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.