Bugbog-Sarado sa Taumbayan BISITA SA PARTY, NANG-RAPE NG 8-ANYOS

BUGBOG-SARADO SA TAUMBAYAN bagong isinuko sa pulisya ang isang 27-anyos na lalaki at bisita sa isang birthday party, makaraang akusahan ng panggagahasa sa isang walong taong gulang na batang babae kagabi sa Brgy. Tangub, Bacolod City.

Ayon kay Bacolod City Police Station 8 Commander, Chief Insp. Danilo Francisco, naaresto ang suspek na hindi pa binanggit ang pagkakakilanlan hangga’t hindi pa natatapos ang pagsusuri sa biktima alas-8:00 ng gabi.

Nabatid na ang suspek ay bisita ng lolo ng bata na nagdiwang ng kanyang kaarawan na ayon sa tatlong taong gulang na pinsang babae ng biktima, naglalakad silang dalawa sa tulay nang humarang ang suspek at habang sakal-sakal ang biktima ay dinala sa kanyang bahay kung saan naganap ang panghahalay.

Matapos ang insidente, pinauwi na silang dalawa na may pagbabanta na huwag magsusumbong kahit kanino sa nangyari.

Sinabi naman ng lola ng mga bata na ang suspek na kanilang kapitbahay ay galing sa kanilang bahay at inabangan ang biktima sa tulay.

Samantala, pinabulaan naman ng suspek ang nasabing akusasyon laban sa kanya habang nakakulong sa Police Station 8 at sinabing ang mga kaanak ng umano’y biktima ang bumugbog sa kanya. (ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.