Bugbog-sarado pa sa taumbayan Misis ni pare, itinanan; kelot, kulong

MISTULANG INALOG na duhat ang pagmumukha ng isang lalaki na ngayon ay naghihimas ng malamig na rehas makaraang bugbugin ng kanilang mga kapitbahay saka isinuplong sa Zamboanga City.

Sa blotter ng Zamboanga City Police, itinago sa alyas na Mark, 33-anyos ang ina-resto dahil pagtangay sa misis ng kanilang kapit-bahay sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, ga-ling sa Cagayan de Oro ang suspek na si Mark at nagbalik sa Zamboanga City para kuhanin nito ang mga naiwang gamit nang lapitan ito ng pitong lalaki na siyang nanakit sa kaniya.

Makaraan na halos hindi na makagulapay sanhi ng mga pasa sa mukha at bukol ay may isang nagmagandang loob na residente sa lugar at dinala sa pagamutan.

Plano pa sana ng lalaki na i-report sa pulisya ang nangyaring pambubugbog sa kanya ng grupo subalit ilang saglit lamang ay dumating ang mga pulis sa ospital at kaagad siyang pinosasan.

Ito ay matapos napag-alaman ng mga pulis na itinanan niya ang misis ng kanyang kaibigan sa kani-lang lugar ilang araw lamang ang nakalilipas.

Sinasabing dinala pa umano ng lalaki ang babae sa Cagayan de Oro City mula sa Zamboanga City.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.