Budget sa Komunikasyon ng mga Ahensiya ng Gobyerno, Bawasan

NAIS NI Senate President Pro Tempore Ralph Recto na bawasan ang budget sa komunikasyon at biyahe sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Sinabi ni Recto na aabot sa P1.7 bilyon ang mawawalang budget sa biyahe at komunikasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan na maaaring gamitin sa pagpapagawa sa 900 bunkhouse upang magamit ng 10,800 pamilyang naapektuhan ng mga nakaraang kalamidad.

“By simply deducting P500 million from the bureaucracy’s P12.3 billion travel fund for 2014, we can already build 900 temporary bunkhouses that can house 10,800 families. By lopping off P1 billion from the P12.1 billion allotted for utilities like electricity and water, we can have the money to repair 3,000 classrooms,” ani Recto.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag matapos umpisahan ang deliberasyon sa panukalang P2.268-trilyon 2014 budget.

Aniya, maging ang paggamit ng cellphone ay dapat din na bawasan at tiyak na maraming mangingisda ang makikinabang lalo na sa mga lugar na hinagupit ng kalamidad.

Samantala, inihayag pa ni Recto na dapat ding ilipat sa pondo para sa rehabilitasyon ang P30-bilyon ng risk management program at P25 bilyon ng debt management program na pwedeng gamitin sa pagkukumpuni ng mga pagamutan at silid-aralan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.