Budget sa 2012, Pinapa-TRO sa SC

PINAPAHARANG NI Batangas Rep. Hirmilando Mandanas ang 2012 National Budget sa Supreme Court (SC) dahil sa P500 bilyon na hindi umano nailakip sa computation.

Ayon sa 70 pahina ng petisyon na inihain ni Mandanas sa Kataas-taasang Hukuman, sinabi nito na simula taong 1989 hanggang ngayon ay hindi naisasama ang 40 porsiyentong kinolektang buwis ng Bureau of Customs sa ilalim ng National Internal Revenue Tax.

Ang nasabing halaga umano ay nararapat sana para sa Internal Revenue Allotment (IRA) para sa kapakinabangan ng mga local government unit.

Dahil dito, nais pagpaliwanagin ni Mandanas sina Executive Sec. Jojo Ochoa, Finance Sec. Cesar Purisima, BIR Comm. Kim Henares, Budget Sec. Butch Abad at iba pang opisyal ng administrasyong Aquino sa usapin ng buwis.

Matatandaang inilaban na rin ni Mandanas ang kaparehong usapin noong panunungkulan pa ni dating Pangulong Arroyo.

Magsisilbi namang abogado ng kongresista si dating Sen. Aquilino “Nene” Pimentel.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.