Budget Para sa mga State U, Tumaas

TUMAAS NG 44% ang inilaang budget ng pamahalaan para sa State Universities and Colleges (SUCs) sa darating na 2013.

Sinabi ni Budget and Management Secretary Florencio Abad na mula sa dating P11.3-B budget ng SUCs ngayong 2012, itinaas na ito sa P34.1-B.

Layon aniya ng pagtataas ng budget na mapalakas at mapaganda ang kalidad ng edukasyon at mapahusay pang lalo ang kapakanan ng mga estudyante.

Samantala, ibinahagi ni Abad na makatatanggap ang University of the Philippines (UP) ng P3.9 bilyong dagdag sa kanilang budget dahilan para umabot ito sa P10 bilyon.

Bahagi aniya ng halaga ay ang P6.5 milyong alokasyon sa Personal Services at ang capital outlay na P1.45 bilyon.

“Improvements in teaching quality and the establishment of quality assurance systems in SUCs are attainable not just through better compensation for our teachers. To support these initiatives, MOOE will also receive normative funding. Fund support will therefore be based on a set criteria to bolster our rationalization efforts in SUCs, so that more programs and courses respond directly to growing industry demands,” ani Abad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.