Budget ng DOLE, Tatapyasan Dahil sa ‘Sex-For-Fly’

BINANTAAN NI Akbayan partylist Rep. Walden ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tatapyasan nito ang kanilang budget para sa taong 2014 kapag hindi nito naaksyunan ang kaso ng “sex- for-fly” ng mga OFW sa Gitnang Silangan.

Iginiit ni Bello na siya ring chairman ng Overseas and Workers Affairs na haharangin niya ang pag-apruba ng Kamara sa P10.5 bilyon na budget ng DOLE at pababawasan pa ito ng 25% kung hindi makapagbibigay ng resulta ang ahensya sa pagsisiyasat sa sex for flight scandal at kung hindi matatanggal sa puwesto ang mga opisyal ng embahada ng bansa na dawit sa nasabing kontrobersiya.

Sinabi ni Bello na “merciful” pa nga ang 25% na tapyas sa budget ng DOLE kumpara sa suhestyon ng Senado na bigyan lamang sila ng pisong budget kung walang resulta sa pagsisiyasat.

Samantala, bukod dito dapat din umanong solusyunan ng ahensya ang lumalaganap na prostitution sa Middle East at kung paano maiiiwas ang mga Pinoy na mabiktima ng ganitong gawain.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.