Budget Deliberation, Binulabog ng Protesta sa Kamara

 

BAHAGYANG NABULABOG ang maayos na takbo ng budget deliberation sa Kamara kahapon, matapos biglang magkilos-protesta ang isang grupo ng mga kabataan mula sa gallery ng gusali.

Nabatid na nagmula ang nasabing grupo sa grupong Anakbayan na karamihan ay mga estudyante mula sa mga pamantasan at unibersidad.

Nangyari ito matapos matalakay ang umano’y kakal-tasing mahigit 30 porsiyento sa 2013 budget ng State Universities and Colleges (SUC).

Una rito, umangal si Kabataan party-list Rep. Raymond Palatino sa aniya’y maliit na pondong inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa SUCs.

Ang alokasyong ito umano ay 44 porsiyentong mas mataas pa kumpara sa pondo para sa SUCs sa kasalukuyang taon na P25.8 bilyon.

Lubha rin aniyang mababa ang P37.1 bilyon kumpara sa kabuuang orihinal na budget proposal ng SUC sa 2013 na P54.6 bilyon.

Agad namang pinalabas ng Kamara ang mga nasabing kabataan at ipinagpatuloy ang deliberasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.