Buboy Villar, aminadong nalungkot nang tumumal ang proyekto!

MAGDIRIWANG NG kanyang 15th brithday ang dating child star na si Buboy Villar sa March 21, 2013 at kung wala raw siyang shooting ng kanyang ginagawang indie film entitled Recorder with Ronnie Quizon, directed by Mikael Red, balak daw nitong magkaroon ng swimming party kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng industriya.

Kuwento nga ni Buboy nang makatsikahan namin sa taping ng Walang Tulugan with the Master Showman, kung saan ginanap ang kanyang advance birthday celebration, na minsang dumating daw sa kanyang buhay na nalungkot siya dahil tumumal ang dating ng trabaho sa kanya simula nang tumuntong siya sa awkward stage o pagbibinata.

“Totoo pong nalungkot ako, kasi nasanay ako na nu’ng bata ako, ang dami-dami kong trabaho, kaliwa’t kanan ‘yung ginagawa ko, minsan walang tulugan. Pero nae-enjoy ko siya, kasi ‘yun talaga ang gusto ko, ‘yung umarte.

“Tapos nung dumating ako sa awkward stage nagulat ako kasi biglang kumonti na lang ‘yung trabahong ginagawa ko. Tinanong ko nga parents ko tungkol dun, sabi nga nila nasa awkward stage daw ako kaya medyo limitado ‘yung mga role na puwedeng ibigay sa akin.

“Sabi nga nila na halos lahat naman daw ng child star ganu’n ang nangyayari kapag dumating sa awkward stage,  tumutumal ang dating ng project like sina Aiza Seguerra, Niño Muhlach at marami pang iba.

“Pero masuwerte na rin ako kasi hindi naman ako talagang nasi-zero sa project, meron pa rin akong mga guesting sa GMA-7 like sa Magpakailanman at iba pang shows sa NewsTV at may mga indie film din akong ginawa,” pagtatapos ni Buboy.

 

MUKHANG MASUWERTE ang isa sa miyembro ng defunct boyband na XLR8 na si Arkin del Rosario dahil kahit buwag na ang kanilang grupo ay may ginagawa pa rin siya as a solo artist.

Kasama siya bi-lang isa sa lead actor ng inaabangan nang indie movie na Pagari, kasama si Teejay Marquez, kung saan ginagampanan nila ang mag-bestfriend na Muslim na mapapanood sa March 20 sa SM Cinemas. Bukod sa nasabing pelikula ay kasama rin siya sa remake ng pelikulang Nang Magalit ang Buwan sa haba ng Gabi kasama naman sina Gabby Concepcion, Alice Dixson at Andi Eigenmann.

Regular din itong napapanood sa Walang Tulugan with the Master Showman, kung saan isa siya sa teen co-host/performer ng show na ito ni Mr. German Moreno. Wish nga ni Arkin na mabigyan siya ng teleserye ng GMA-7 dahil bukod daw sa pagkanta ay love na love niya ang pag-arte.

 

ISANG NAPAKALAKI at bonggang selebrasyon ang magaganap sa pagdiriwang ng 1st year anniversary ng M-Talent Events & Promotions na pag-aari ng model/actress na si Ms. Aida Patama via concert and fashion na magaganap sa April 27, 7pm sa Waterfront Hotel sa Lahug, Cebu sa pakikipagtulungan ng Michel’s Wine, MLhuillier, Parkimall , ABS-CBN, at Waterfront Cebu City Hotel and Casino.

Kung saan magiging espesyal na panauhin sa anibersaryo ng M-Talent Events & Promotions sina Zsa Zsa Padilla, Jaya, Paulo Avelino, Enrique Gil, Erik Santos, Empress Schuck, Valerie Concepcion, Neil Coleta, Krissel Valdez, Jimmy Marquez, Monica Bacay, DJ Durano, Joy Viado at Fretzie Bercede with special participation of Pops Fernandez and Gabby Concepcion. Hosted by Bobby Yan and Mafe Castillo.

Habang rarampa naman ang mga hot and sizzling Brazilian Models mula pa sa Manila suot ang kasuotang habi ng mahuhusay na fashion designer sa Cebu na sina Cary Santiago, Philip Rodriguez, Jun Escario, Dino Lloren at Pewee Senining.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.