BSP: Pagbagsak ng Piso Kontra Dolyar, Inaasahan na

TIWALA ANG Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na makababawi rin ang halaga ng piso matapos bumagsak ito sa 11-month low kontra US dollar.

Ayon kay BSP Governor Amando Tetangco Jr., kanilang inaasahan na umano ang foreign exchange movements dahil sa nakikitang paglakas ng dolyar.

Tinukoy pa ng opisyal na walang dapat ikabahala ang business sector dahil nanatili aniyang matatag ang pananalapi ng Pilipinas kung ikumpara sa ibang Asian currencies.

Sa Philippine Dealing System kahapin, naitala sa P42.35 ang halaga ng salapi ng bansa kung ikumpara sa dolyar o mas mababa nang 17 centavos.

Sinasabing ito na ang lowest level ng Philippine currency simula noong nakaraang Setyembre.

Pero ayon sa mga traders, hindi lamang ang lokal na pananalapi ang humina kundi maging ang ibang Asian currencies, dahil na rin sa pagsigla ng American dollar.

Samantala, sinasabing pinapaboran ng mga investors ang dolyar matapos magtala ng “highest level” ang US consumer confidence data.

Matatandaan na nitong mga nakaraang buwan, naabot ng Philippine currency ang five-year high sa P40.55 kasunod nang positibong rating na natanggap ng Pilipinas mula sa mga international credit rating agencies.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.